^

True Confessions

Kastilaloy (19)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKA isipin mo, gu­ma­ganti lang ako sa mama mo kaya ako nagkukuwen­to ng tungkol kay Papa o Dionisio Polavieja. Baka sabihin mo, sinungaling ako at kung anu-ano ang sinasabi sa mama mo,” sabi ni Carmina habang nakatingin kay Garet.

“Naku, hindi po Tita. Wala po akong iniisip na anuman. Ang gusto ko lang talagang malaman ay ang istorya ng buhay ni Lolo Dionisio na ang tawag po ay “Kastilaloy”.

“Kastilaloy? Bakit Kastilaloy ang tawag kay Papa?’’

“Hindi po ganap na malinaw sa akin pero hula ko, dahil po sa features ng muk­ha ni Lolo Dionisio – mukha siyang Kastilaloy.’’

“Posible. Purong Kastila kasi ang ama nila na si Don Venancio Polavieja. Baka nga yun ang dahilan.’’

Nanatiling nakatingin si Garet kay Carmina. Nang hindi na makatiis, nagta­nong na si Garet.

“Tita ano pong ginawa ni Kastilaloy kay mama? Gusto ko pong malaman ang lahat.’’

“Tayong dalawa lang ang nakaaalam nito ha. Baka may makaalam na iba e ako naman ang mapahamak. Lihim na lihim kasi ito. Kaya nga siguro ayaw ipagtapat ng mama mo sa iyo ang nangyari.’’

“Ano po ba yun, Tita?’’

“Naikuwento ba ng mama mo ang mga ginagawa ni Kastilaloy noong panahon na nakatira pa sa kanilang bahay sa Legarda?’’

“’Yun lang po na nahuli niya na binobo­sohan siya ni Kastilaloy at saka minsan ay nahuli niya itong “nagpaparaos” sa banyo.’’

“’Yun lang? Wala nang iba pa?’’

“’Yun lang po.”

“Nililihim talaga ng    mama mo ang mga nangyari.’’

“Nangyari pong ano?’’

“Pinasok siya sa kuwarto ni Papa – ni Kastilaloy.’’

“Ano pong ginawa ni Kastilaloy?’’

“Nakahiga ang mama mo sa kama at natutulog na ang tanging suot lamang ay bra at panty. Kagaga-ling lang niya sa school noon at nakaugalian na pagkatapos hubarin ang uniporme ay hihiga sa kama. Nakaidlip siya.

“Hanggang sa maramdaman daw niya na may gumagapang na kamay sa kanyang binti at hita. Hanggang sa humantong sa pagitan ng mga hita.

“Sabi ng mama mo para raw siyang nanana­ginip na may humihipo sa kaselanan niya. Naipasok daw ang kamay sa loob ng panty. Pero sabi ng mama mo, bakit hindi siya tumututol? Bakit nagpapaubaya siya?
Wala raw siyang kakibu-kibo. Gusto niya ang ginagawa ni Kastilaloy.’’

Hindi makapagsalita si Garet sa nalaman kay Carmina ukol sa kanyang mama. Bakit pumapayag ang kanyang mama.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

CARMINA

GARET

KASTILALOY

LOLO DIONISIO

MAMA

TITA

WALA

YUN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with