^

True Confessions

Kastilaloy (14)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Sequel ng Sinsilyo)

NAKALAPIT si Garet sa bahay na nasa kanto ng Blumentritt at España Blvd. Mataas ang pader ng bahay at kulay itim ang gate. Halatang sinauna ang pagkakayari ng bakal na gate. Ito na nga siguro ang bahay ni Kastilaloy. Wala siyang makitang ibang bahay sa lugar na estilong 60s.

Kumatok siya sa bakal na gate. Wala siyang na­kitang doorbell.

Maya-maya may na­rinig siyang mga yabag na papalapit sa gate. Luma­ngitngit nang buksan iyon.

Sumungaw ang isang may edad na lalaki, nakakalbo pero tipong mabait.

“Good morning po. Magtatanong lang po,’’ sabi ni Garet sa malinaw na pananalita.

“Magandang umaga. Ano po ang itatanong mo?”

“Ito po ba ang bahay ni Dionisio Polavieja?’’

Nag-isip ang lalaki. Parang walang maalala sa sinabi ni Garet.

Si Garet na rin ang na­kaisip na baka hindi nga kilala ng lalaki si Dio­nisio. Iniba niya ang tanong bago nakapagsalita ang lalaki.

“E si Amparo po --- Amparo Polavieja?’’

“Ah Amparo? Baka si Amparing. Patay na yun ah. Matagal na!’’

“Pero dito po nakatira si Amparo o Amparing?’’

“Oo Amparo pero hindi ko kilala ang apelyido. Kasi’y ano lang ako rito, katiwala ng bagong may-ari.’’

“Ibig mo pong sabihin, hindi na ito pag-aari ni Amparo­ o Amparing?”

“Hindi na! Pinagbili na ito. Bago na ang may-ari nito. Mga isang taon na siguro ang nakalilipas.’’

“E sino po ang nag­benta?’’

“May anak daw si Amparing na babae. Yung anak daw ang nagbenta nito.’’

Nabuhayan ng loob si Garet. Maaaring ang anak ni Amparing ang susi.

“Ano po ang pangalan ng anak ni Amparing?”

Nag-isip ang lalaki. Pero tila walang mahagilap sa isip. Nakalimutan na ang pangalan ng anak ni Am­paring.

“Hindi ko maalala,” sa­bi ng lalaki at kumamot-kamot sa noo.

“Hindi po kaya ang pa­ngalan ay Carmina?’’ ta­nong ni Ga­ret para matulu­ngan ang lalaki na alalahanin ang pangalan ng anak ni Amparing.

“Carmina?”

“Opo. Hindi po ba Carmina?’’

“Parang Carmina nga yata. O Carmencita? Hindi ko maalala. Malilimutin na talaga ako, Mam. Pasensiya ka na. Mahina na ang kukote, he-he-he!”

“Okey lang po, Manong. Pero sigurado ka po na ang nagbenta nitong bahay ay yung anak na babae ni Amparing?’’

“Oo.’’

“Alam mo po ba kung nasaan na yung anak? Saan po nakatira?’’

“Teka, mabuti pa ay magbalik ka rito bukas at itatanong ko muna sa isa sa mga bossing ko. Para sigurado.’’

“Hindi po ba puwede ngayon, Manong?”

“Wala sila ngayon. May board meeting daw.’’

“Sige po, Manong babalik na lang ako bukas.’’

“Pasensiya ka na Mam ha, malilimutin na ako eh.’’

“Okey lang po.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AMPARING

ANAK

CARMINA

GARET

MANONG

PERO

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with