^

True Confessions

Kastilaloy (6)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Sequel ng Sinsilyo

NAGTAKA si Garet kung bakit may KASTILALOY na nakasulat sa lapida ni DIONISIO POLAVIEJA. Hanggang sa ipalagay niya na maaaring iyon ang alyas ng matanda. Siguro’y dahil may pagka-Kastila si Lolo Dionisio. May dugong Kastila ang mga Polavieja.

Pinagmasdan niyang muli ang libingan ng matanda. Ginastusan ang libingang ito. Malaking pera rin ang inilaan. Pero sino kaya ang taong gumastos kay Lolo Dionisio? Hindi naman siguro kamag-anak dahil bukod kay Lolo Fernando, wala nang iba pang kamag-anak si Dionisio. Dalawa lang silang magkapatid ayon sa kuwento ng kanyang ina. Hindi naman kaya ang asawa at anak nito? Posible. Baka nagkasundo na sila. Baka nang lumayas sa bahay ni Lolo Fernando si Lolo Dionisio ay nagbalik sa bahay nila at nakisama muli sa asawang nagtaksil umano. Amparo raw ang pangalan ng asawa ni Lolo Dionisio at ang anak ay si Carmina.

Pero napailing si Garet, batay sa kuwento ng kanyang mama, masyadong mataas ang pride ni Lolo Dionisio. Hindi ang tipo ng matanda ang babalik sa babaing nagkasala sa kanya, lalo pa’t nanlalaki nga ang asawa. Sino nga kaya ang gumastos sa pagpapalibing kay Lolo Dionisio? Mukhang maykaya ang gumastos sa pagpapalibing. Lalo nang naging mahiwaga para sa kanya ang buhay ng matanda.

Pinagmasdang muli ni Garet ang libingan. Pagkaraan ay umusal ng dasal para sa kaluluwa ng matanda.

Maya-maya ay umalis na siya.

Ibinalita niya sa kanyang mama ang nakitang nakasulat na “KASTILALOY”sa lapida ni Lolo Dionisio.

“Kastilaloy?’’ Nagta-taka ang kanyang mama.

“Oo Mama.”

“Baka iyon ang alyas niya. Siguro’y dahil ang feature ng mukha niya ay Kastila.’’

“’Yun din ang naiisip ko Mama.’’

“Pero nalaman mo na ba kung sino ang taong nagpalibing kay Tiyo Dio-nisio o kay Kastilaloy?’’

“Hindi pa Mama.’’

“Alamin mo. Tutal din lang at ikaw itong agresibo sa buhay ni Kastilaloy.’’

“Pero ang gusto kong tuklasin ay kung bakit nagkaroon ng kakaibang behaviour si Kastilaloy. Bakit mahilig siyang mamboso o manilip. At bakit pati ikaw Mama ay nagagawa niyang silipan.’’

Napabuntunghininga ang mama ni Garet.

“Baka may alam ka pa, Mama?’’

Nagkatinginan silang mag-ina.

(Itutuloy)

vuukle comment

DIONISIO

GARET

KASTILA

KASTILALOY

LOLO

LOLO DIONISIO

LOLO FERNANDO

MAMA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with