^

True Confessions

Sinsilyo (242)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“A-ANONG i-ibig m-mong s-sabihin, T-tata K-kandoy?” tanong ni Mau makaraan ang ilang sandaling pagkapipi kaugnay sa sinabi ng matanda ukol kay Lyka at Tatang Dune Kastilaloy.

“Si Lyka at Dune Kas­tilaloy madalas kong mahuli sa kuwarto n’yo na may ginagawang ma­laswa.’’

“S-silang d-dalawa magkarelasyon?”

“Oo.”

“Paanong nangyari, Tata Kandoy?’’ Nasa tinig ni Mau ang labis na pagtataka sa nalaman ukol kay Lyka at Kastilaloy. Mas matindi pa yata sa pagkakabulgar na ang ginto ang ugat nang lahat kaya gusto siyang patayin ng masamang babae.

“Nagkaroon sila ng relasyon. Si Kastilaloy ang orihinal na gagamitin ni Lyka para ka patayin. Narinig ko ang una nilang plano na lalasunin ka. Ihahalo sa kape ang lason. Si Kastilaloy ang gagawa. Pero pumalpak. Isa pa’y mahirap kang matiyempuhan dahil hindi ka nga umuuwi. Sumunod ay ang pagsunog nga sa bahay mo. Kandila ang gagamitin ni Kastilaloy. Ititirik ang kandila sa tabi ng bintana na may naka­sabit na kurtina. Nakita ko mismo ng gabing nasunog ang bahay mo kung saan ititirik ang kandila…”

Nalito si Mau.

“D-di b-ba T-tata K-kandoy, s-sumingaw na gas ang dahilan kaya nagkasunog? Bakit naging kandila?’’

“Iyon nga ang isang ma-laking palaisipan. Kandila ang usapan na gagamitin pero nagbago ang plano ni Lyka. Nakita ko nga na pinasingaw ni Lyka ang gas. Iyon ang naging dahilan ng sunog at hindi kandila.’’

“Pero sino ang nagkandado sa pinto ni Kastilaloy kaya siya nakulong?”

“Sino pa ba ang gagawa niyon e di si Lyka?”

“B-bakit? Di ba may re-lasyon sila?”

“Para nga walang mag­diin sa kanya sakali at pu­­mal­pak ang plano sa pagpa­tay sa iyo. Tuso nga si Lyka. Pi­­­naniwala si Kastilaloy na nambababae ka at sinasaktan siya kaya nakumbinsi ito para patayin ka.’’

“Napakawalanghiya pala talaga ni Lyka, Tata Kandoy. Pinatulan niya si Kastilaloy para lamang may pumatay sa akin.’’

“Hindi lang walanghiya kundi napakasama.’’

“Kung napatay pala ako ni Kastilaloy e di sila ang nagsasama ngayon.’’

“Hindi rin siguro Mau. Kasi nga tuso. Kung ikaw ay pinagbalakang patayin, e di lalo na nga si Kastilaloy. Tingnan mo nga’t last minute ay nagbago ng plano at pati si Kastilaloy ay pinatay din.’’

“P-palagay k-ko marami siyang nanakaw na barya, Tatang Kandoy.’’

“Tama ka. Lahat nang mga barya, idineposito sa account niya. Si Gaude pa ang nagbibilang. Kahit itanong mo kay Gaude. Ipinahamak nga niya si Gaude. Pinaniwala ka rin na gusto siyang gahasain ni Gaude.’’

Napatango na lang si Mau at saka napatingin kay Gaude.

“At siyanga pala, Mau. alam mo bang si Kastilaloy ang gumawa ng butas sa pader ng banyo. Sinisilipan niya si Lyka habang naliligo. Pero di ba ang sumbong sa’yo si Gaude ang gumawa ng butas at sinisilipan si Lyka.’’

“O-opo nga Tata Kandoy. Kay Gaude nga isinisi ang lahat at naniwala naman ako. Sorry uli, Gaude ha?’’

Ngumiti lang si Gaude.

(Itutuloy)

vuukle comment

DUNE KAS

GAUDE

KASTILALOY

LYKA

PERO

SHY

SI KASTILALOY

TATA KANDOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with