^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (500)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GUSTO ni Sam na  ang lahat ng mga taong nagkaroon ng kaugnayan sa kan­­yang buhay ay matulungan, kahit pa may­­roong nagawang ka­salanan o kamalian sa kanyang inang si Cristy o sa kanyang Tatay Ado at Nanay Cion. Ki­nalimutan na niya ang lahat. Walang hanggan ang kanyang pagpapatawad. Tutulungan niya kahit pa may nagawang hindi maganda.

Hanggang sa mayroon siyang maalala tungkol sa ikinuwento ng kanyang Nanay Cion noon na babaing nagngangalang Lina na unang nagpasuso sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang. Si Lina raw ay mayroon ding anak noon na ang pangalan ay Girlie. Ayon sa kanyang Nanay Cion, sabay silang pinasususo ni Lina. Mabait daw si Lina. Pero namatay daw si Lina dahil  binugbog ng asawa nitong si Kardo. Masama raw ang ugali ni Kardo. At naaalala pa rin niya, batay pa rin sa kuwento ni Nanay Cion, si Lina raw ang nagsama kay Brenda sa kanilang bahay. Nakiusap si Lina na doon titira si Brenda. Pumayag si Nanay Cion at Tatay Ado. Mula noon si Brenda na ang nagpasuso sa kanya (Sam). Si Brenda ay walang iba kundi ang mama ni Aya. Si Mama Brenda ang babaing hindi niya malilimutan habang siya ay na­bubuhay. Malaki ang papel ni Mama Brenda kaya niya naabot ang pangarap.

Mayroong tinanong si Sam kay Aya, “Mayroon bang naikuwento si Mama Brenda sa iyo tungkol sa isang babaing ang pangalan ay Lina?”

Nag-isip si Aya.

“Meron siyang na­banggit pero bata pa ako noon. Pinsan daw niya iyon.’’

“Pinsan nga niya, Aya?”

“Ba’t mo naita­nong?”

“Kasi’y malaki ang naitulong sa akin ni Tita Lina. Dahil sa kanya kaya ako nabuhay. Pinasuso rin niya ako. Gusto kong hanapin ang anak ni Tita Lina para pasalamatan sa ginawa ng kanyang ina sa akin.’’

“Nasaan si Tita Lina?”

“Patay na siya. Bi­nugbog ng asawa.’’

“Ah.’’

“Hahanapin ko ang babae, Aya. Girlie ang pangalan ng anak ni Tita Lina.’’

“Sasamahan kita Sam. Gusto ko rin siyang makita.’’

Hinanap nila si Girlie. Pinagtanong-tanong. (Itutuloy)

vuukle comment

AYA

BRENDA

LINA

MAMA BRENDA

NANAY CION

NIYA

SHY

TATAY ADO

TITA LINA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with