^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (375)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAPAG nagawa mo na ang pinatatrabaho ko saka kita ba­bayaran at may bonus pa,” sabi ni Julia kay George.

“Baka puwedeng advance, he-he!”

“Masaya ka.’’

“Sige na. Para naman lalo akong ganahan sa pagtatrabaho.’’

“Ang kulit mo naman George.’’

“Kahit hipo lang, Jules.’’

Nag-isip si Julia. Pagbigyan kaya niya ito. Hipo lang naman. Para nga ganahan sa pagtatrabaho.

Bigla niyang kinuha ang kanang palad ni George at ipinasok sa loob ng blusa niya. Ipinadama niya ang lusog ng “boobsie’’. Pagkaraan ay bigla rin niyang inalis. Tinakaw niya si George.

“Jules naman. Sandali pa,’’ sabi ni George na nabigla rin sa ginawa ni Julia.

“Tama na yun, George. Kapag natapos mo na ang pinatatrabaho, saka na ang malakihan.’’

“Binitin mo ako, Jules.’’

“Magtrabaho ka na  para makuha mo ang gusto mo.’’

“Ibang klase ka Jules. Pero okey na rin. Kahit pa-ano nadama ko si “Boobsie”. Sariwang-sariwa pa yan, Jules.’’

“Siyempre naman, hindi ako pakawala no!’’

“Kaya nga type kita, Jules. Kung gusto mo, ka­limutan mo na si Arabo at tayo na lang dalawa.’’

“Sinong Arabo?’’

“Si Sam. Kaunti lang naman ang kaguwapuhan niya sa akin. May pera rin naman ako. Malakas na ang palaisdaan ko sa Pampanga at Bulacan.’’

“Puro ka kalokohan, George. Basta gawin mo ang pinatatrabaho ko makukuha mo ang gusto mo. Gusto ko, makuha na si Sam sa kinasusuklaman kong babae.’’

“Okey, okey. Sige ga­gawin ko. Maghintay ka lang, Jules. Pero bilib ta­laga ako sa’yo, lalo akong naatat.”

Nagtawa si Julia —tawa na may landi.

 

KINABUKASAN, nag-abang muli si George   kay Aya. Doon uli siya sa dating puwesto. Naka­parada ang kotse niya    sa di-kalayuan at tinatanaw si Aya.

Pero nakakahalata na pala si Aya. Nang sunduin siya ni Sam ng araw na iyon, sinabi niya ang napapansing sasakyan.

“Sam, ilang araw ko nang nakikita ang kotseng iyon na parang ako ang sinusubaybayan. Parang may masamang binabalak sa akin…”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AYA

GEORGE

JULES

JULIA

KAHIT

NAMAN

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with