^

True Confessions

Alakdan (308)

Pilipino Star Ngayon

HINDI panaginip ang nararanasan ni Kreamy sa piling ni Troy. Totoo iyon. Nadarama niya. Nalalasap niya ang init ng pagmamahal ni Troy. Tunay at wagas. Hindi siya nagkamali sa pagpili kay Troy. Hindi sayang ang pagmamahal na iniukol niya para sa lalaking ito. At alam niya ganundin ang pagmamahal na iniuukol sa kanya ni Troy. Mahal na mahal siya ni Troy. Walang pagdududa.

“Ang ganda-ganda mo, Kreamy!”

Iyon ang unang nasabi ni Troy, kinabukasan. Nakatunghay si Troy kay Kreamy. Ang sikat ng araw ay naglalagos sa bintana ng suite na kanilang inuukopa. Tanghali na pala. Napasarap sila ng tulog.

“Lagi mo akong binobola, Troy,” sagot ni Kreamy na hinimas-himas ang pisngi ni Troy.

“Hindi kita binobola. Talagang ang ganda-ganda mo. Ang tunay daw na maganda ay yung kahit walang make-up at bagong gising.’’

“Sige, naniniwala na  ako sa’yo.’’

“Dapat kang maniwala dahil iyon ang totoo. Ako hindi mo pupurihing guwapo?”

Napahagalpak ng tawa si Kreamy.

“Ah kaya mo ako pinuri nang pinuri para purihin din naman kita.’’

Nagtawa si Troy.

“Obvious ba?” sabi ni Troy at nagtawa nang nagtawa.

“Sabi ko na nga ba at iyon ang reason mo kaya mo ako pinupuri nang pinupuri.’’

Nagtawa si Troy.

“Pogi ka Troy. Ikaw ang pinaka-poging lalaki sa mundo. Wala kang makakatulad, Troy. Kaya mahal na mahal kita.’’

Niyakap nang mahigpit ni Troy si Kreamy. Hinalikan sa labi. Kung kagabi ay mainit ang kanilang pagmamahalan, mas lalo na ang sumunod na pangyayari.

“Troy…’’

“Ulitin natin, Kreamy.’’

Hindi sumagot si Krea­my. Pero sa kilos ay nagpapaubaya ito. Nagpapatianod. Isinusuko ang sarili sa mahal na lalaki. Kung sa una ay mayroon pang kaunting takot, ngayon ay walang-wala na.

Mainit na mainit. Lumiliyab ang kanilang mga katawan sa walang kapa­gurang pagmamahalan.

Sa tingin ni Troy sa mi­namahal na si Kreamy, lalo itong naging maganda sa tingin niya. Magandang-maganda.

At para kay Kreamy, guwapung-guwapo si Troy. Walang katulad si Troy. Isang mahusay na mandirigma pa sa tingin niya. Walang makakapantay sa lalaking minahal niya nang labis. Walang makakatulad ang pagmamahal niya kay Troy.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DAPAT

HINALIKAN

KREAMY

NAGTAWA

NIYA

TROY

WALANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with