Ako ay Makasalanan(114)

“KAWAWA ka naman kung babalik ka uli sa pagiging addict. Ako pa ang magiging dahilan. Sige na nga…”

“Anong sige na nga?”

“Ay ang hina naman.”

“Ibig mong sabihin, love mo rin ako?”

“Oo. Noon pa. Mahina ka bang humalata.”

“Mahina, Tess. Ma­hina akong humalata.”

Sabing nakangiti. Ay­wan ko kung nagbibiro lang sa sagot. At hindi ko inaasahan ang pag-ha­wak niya sa kanang kamay ko at pinisil ang palad ko. Parang lumu­tang ako sa ulap sa gina-wa niya.

“Love mo rin pala ako.’’

‘‘Oo at hindi ako nako­kornihan na sabihing love kita.”

Kami lamang dalawa sa aking bahay kaya wala nang hiya-hiya si Stephen. Niyakap ako at hinalikan sa pisngi. Pagkatapos ay sa labi. Mainit ang labi   niya. Damang-dama ko ang init ng pagmamahal niya. Totoo. Walang pagku­kun­wari.

Iyon ang unang pagka­ka­taon na nakadama ako ng tunay na pagmamahal.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay ganap nang napawi ang mga alalahanin sa buhay. Na­wala ang aking mga ki­natatakutan. Nagkaroon   ng kasiguruhan ang lahat. Hindi na ako dapat ma­ngamba.

“Teka nga pala, Ste­phen, paano naman kayo nagkakilala ng iyong asa­wa. Ikinuwento mo na rin lang lahat ang mga nang­yari sa iyo e di ikuwen-         to mo na rin kung paano kayo nagkakilala ng nama­tay mong asawa.”

“Dito ko na siya nakilala sa Brisbane. Magaling na ako noon at alam mo ma-laki ang bahagi niya sa pagbabagongbuhay. Lalo akong naging positibo        sa buhay. Lagi niya akong sinusuportahan.”

“Paano mo siya naki­lala?”

“Sa isang pagtitipon din dito. At alam mo ba, Tess, malaki ang pag-ka­kahawig n’yong da­lawa ng namatay kong asawa. Kaya nang ma­kita kita, e nagulat ako dahil parang nabuhay ang aking asawa. Pa­rang reincarnation ka ng asawa kong si Tri­na…”

Kinilabutan ako.

(Itutuloy)

Show comments