^

True Confessions

Darang sa Baga (56)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

POSIBLENG mangyari ang mga sinabi ni Fil. Sa tindi ng galit at pagkaapi ni Carlo, baka nga makapatay ng tao. Lalong nadagdagan ang takot ko.

"Kung lumipat na kaya tayo ng bahay Fil," sabi ko at humawak sa kanyang braso. Sinasaid ni Fil ang softdrink sa baso.

"Natatakot ka na rito?"

"Kaninang nag-iisa ako at nakikiramdam sa mga yabag sa labas, gusto ko nang magsisigaw…"

"Kung iyan ang gusto mo e di lumipat tayo…"

Natuwa ako sa sinabi niya.

"Gusto mo malapit sa opisina tayo humanap ng condo?"

"Sige Fil."

"Hayaan mo at bukas iyan ang aasikasuhin ko…"

"Salamat Fil."

"Basta ikaw, wala akong hindi gagawin…"

Naisip ko kung si Carlo man ang sumusubaybay sa akin, hindi na niya kami masusundan sa condo…"

"Mahal na mahal kita Fil…"

"Huwag ka nang matakot Nena."

(Itutuloy)

vuukle comment

FIL

HAYAAN

HUWAG

ITUTULOY

KANINANG

MANDALUYONG CITY

NENA

SALAMAT FIL

SIGE FIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with