^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-18 labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Mrs. Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na matagal na nagturo sa Wisconsin, USA. Isang ob-gyne – si Dr. Benjamin Victoria ang napangasawa ni Azucena noong 1990. Si Dr. Victoria ay dating may abortion clinic sa Wisconsin noong dekada ’70 hanggang ’80 pero dahil sa anti-abortion movement na nag-file sa kanya ng kaso, isinara iyon. Subalit ayon naman kay Dr. Victoria, dinismiss iyon ng Supreme Court.
* * *
Umuwi sa Pilipinas ang mag-asawa noong 1996 at nanirahan sa Tagaytay. Inatake ng aneurism si Azucena noong 2003 at na-comatose. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinu-ha ni Dr. Victoria. Subalit noong August 2004, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa caregiver na si Shirley Elnar.

Nagsampa ng pestisyon sa Korte ang walong kapatid ni Azucena upang ma-terminate ang Guardianship ni Dr. Victoria at ganoon din sa mga ari-arian ng pasyente.

Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang pangyayari sa buhay ni Azucena makaraang dumulog ang isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.

Narito ang karugtong ng sinumpaang salaysay ni Meljoy Sanchez, isa sa mga caregiver na nag-alaga kay Azucena mula November 2004 hanggang July 2005. NAGTAKA si Meljoy nang ipasundo ni Dr. Victoria si Shirley sa bahay nito dakong 7:30 ng gabi noong June 21, 2005. Sa kuwarto ni Azuena natulog si Shirley ng gabing iyon. Kinabukasan, nakita ni Meljoy na pumasok si Shirley sa kuwarto ni Dr. Victoria. Sabi raw ni Shirley, "Magtsa-charge ako ng cell phone."

Noong June 24, 2005, dakong 11:45 ng gabi, naroon si Shirley at narinig ni Meljoy na may pumasok sa kuwarto ni Dr. Victoria. Kinabukasan, habang nasa servants laundry area si Meljoy, nakita niyang nagtungo sa loob ng servants quarter si Dr. Victoria kung saan ay naroon si Shirley. Tinanong daw ni Dr. Victoria si Shirley kung naging maayos ang tulog ng nakaraang gabi. Iyon lang ang kanyang narinig.

Hindi naman inaasahan ni Meljoy ang mangyayari sa kanya noong July 1, 2005 ng umaga. Nilapitan siya ni Dr. Victoria at sinabing lay-off na siya bilang caregiver ni Azucena.

Gimbal si Meljoy. Hindi siya makapaniwala kaya tinanong si Dr. Victoria kung ano ang dahilan at inaalis na siya bilang caregiver. May dahilan ba sa pangangalaga kay Azucena kaya siya biglaang tinanggal? Sagot ni Dr. Victoria ay magpahinga muna siya ng ilang buwan. Susubukan daw ang isang bagong pasok na nurse na nagngangalang Yvonne.

Ang labis na ipinagtataka ni Meljoy ay nang hindi siya mabigyan ng certificate of employment ni Dr. Victoria.

(Itutuloy)

vuukle comment

AZUCENA

DR. BENJAMIN VICTORIA

DR. VICTORIA

KINABUKASAN

MELJOY

MELJOY SANCHEZ

NOONG

SHIRLEY

VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with