^

PSN Showbiz

Queen of Pinoy soap operas Judy Ann Santos, umarangkada na sa taping

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Queen of Pinoy soap operas Judy Ann Santos, umarangkada na sa taping
Judy Ann Santos

Patuloy na pinapatunayan ni Judy Ann Santos ang pagiging Forever Kapamilya at isa sa ultimate stars ng ABS-CBN dahil excited na ang fans sa gagawin niyang mga proyekto, kabilang na rito ang seryeng The Bagman.

Umaarangkada na nga si Juday para sa taping ng action drama series na pinagbibidahan din nina John Arcilla at Arjo Atayde.

Kamakailan lang ay nagpasalamat si Juday sa mga bumubuo ng The Bagman dahil sa munting sorpresa na inihanda nila sa set para sa kaarawan niya.

Ito ang magsisilbing acting comeback ng actress pagkalipas ng limang taon, kung saan gumaganap siya bilang presidente ng Pilipinas, kaya excited na ang fans na masaksihan muli ang kanyang galing sa pag-arte. Kamakailan nga ay naging emosyonal ang kanyang mga tagasubaybay nang mag-post siya sa Judy Ann’s Kitchen sa YouTube ng reunion kasama ang kanyang mga Gimik co-star niyang sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Mylene Dizon, at Dominic Ochoa.

Sa higit tatlong dekada ni Juday bilang Kapamilya, napamahal na siya sa mga manonood dahil sa kanyang natatanging pagganap sa iba’t ibang serye at pelikula.

Ilan sa hit shows niya ay ang Mara Clara, Esperanza, Gimik, at Mula Sa Puso, at ang mga pelikulang Isusumbong Kita Sa Tatay Ko, ‘Till There Was You, at Kasal, Kasali, Kasalo.

Unang nakilala si Juday sa hit 1992 TV series na Mara Clara kasama si Gladys Reyes.

Magmula noon, nanalo siya ng iba’t ibang awards at isa na rito ang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival.

Ang huli niyang teleserye ay ang 2019 Kapamil­ya primetime series na Starla at naging host din siya ng inspirational 2021 docu-drama na Paano Kita Mapasasalamatan.

vuukle comment

ACTRESS

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with