P1 bilyon LTO insurance chargesa motorista, walang resibo?

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng mga nagpaparehistro ng sasakyan ang panibagong P60.00 na binabayaran nila sa registration na walang resibo bukod pa sa mandatory Third Party Liability o TPL insurance.
Ayon sa grupong Motorista Laban sa Anomalya ( MLA), sinabi umano sa kanila ng mga taga-LTO na ang naturang P60 ay para sa certificate of validation of insurance na mariin nilang tinututulan. Anila, pinatanggal ng gobyerno ang P99.00 na sinisingil ng Stradcom para sa interconnectivity subalit napalitan naman ito ng P60.00 na hindi naman nakalagay sa resibo.
Kinondena rin ng MLA ang umano’y kawalang aksiyon ni Insurance Commissioner Reynaldo Regalado sa paulit-ulit nilang reklamo laban dito kaya nanawagan na sila kay Transportation Secretary Giovanni Lopez para ito ay imbestigahan ito.
“Ang daming problema sa sistema ng ating insurance dahil bukod sa walang resibong sixty pesos, ang insurance na mandatory sa vehicle registration ay masyado na ring mataas. Mula sa dapat na P650, umaabot na rin sa P1,300 ang binabayaran ng mga nagpaparehistro.
Hinamon din nila Regalado na ipatigil ang ganitong sistema ng dagdag-singil sa insurance na umaabot sa halos P1 billion collection na walang proper accounting sa pamahalaan.
Nagbanta rin ang MLA na kakasuhan sa Office of the Ombudsman si Commissioner Regalado at LTO officials kapag nagpatuloy ang ganitong sistema.
“Sana ay kumilos si LTO Chief Markus Lacanilao para malinawan sa ating mga kababayan kung para saan ang sixty pesos na sinisingil sa halos sampung milyong sasakyang nagpaparehistro taun-taon,” sabi pa ng MLA.
- Latest





















