Paninira sa BDP kinondena ng JRTF-ELCAC

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, tagapagsalita ng Joint Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (JRTF-ELCAC), ang umano’y paninira ng mga grupong nagsasabing ipinaglalaban nila ang mamamayan ngunit tinututulan naman ang Barangay Development Program (BDP) sa Iloilo.

Ayon kay Gonzales, mahalaga ang mga proyektong ito sa paghahatid ng serbisyo, kaunlaran, at kapayapaan sa mga komunidad na dating naapektuhan ng komunistang insurhensiya.

Wala aniyang basehan ang mga alegasyon ng grupong BAYAN hinggil sa umano’y mga iregularidad at ghost project sa ilalim ng BDP. “Sinasabi ninyong para kayo sa taumbayan, pero kinokontra ninyo ang mga programang para sa taumbayan. Kinokontra ninyo ang lokal na pamahalaang tumutulong sa mga mamamayan. Sandamakmak kayo na mga hipokrito,” ani Gonzales. 

Mariing pinabulaanan ni Dr. Raul Banias, kinakitaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Iloilo, ang mga paratang at nilinaw na ang mga obserbasyon ng Commission on Audit (COA) ay may kaugnayan sa mga hindi pa natatapos na proyekto at pagsasauli ng hindi nagamit na pondo, hindi sa mga pekeng proyekto o napatunayang katiwalian.

Aniya, humigit-kumulang P196 milyon ang ibinalik sa National Treasury alinsunod sa mga regulasyon sa badyet.

Pinagtibay naman ni Rose Matucan, acting provincial planning and development coordinator at BDP focal person, na walang natukoy na iregularidad sa pagpapatupad ng mga proyekto batay sa Audit Observation Memorandum ng COA. pangkaunlaran.

Show comments