BARMM, idineklarang walang pasok sa Setyembre 14

MANILA, Philippines — Sa Setyembre 14 ay idi­neklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang special non-working day­ sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM) sa ilalim ng Proclamation No.1395.

Kaugnay ito sa unang regular parliamentary elections sa BARMM at para magbigay ng oportunidad sa mga residente doon na aktibong makalahok sa elek­syon at gamitin ang ka­nilang kapangyarihan na bumoto.

Ang nasabing procla­mation ay nilagdaan ni Exe­cutive Secretary Ralph Recto base pa rin sa otoridad ni Pangulong Marcos.

Ang unang BARMM parliamentary elections ay na-reset sa Setyembre 14 sa ilalim ng Republic Act No. 12317 na nag-aamyenda sa Bangsamoro Organic Law.

Nauna nang ipinag­pa­liban ng Commission on Elec­tions (Comelec) ang BARMM elections na orihinal na itinakda noong Marso matapos ang desisyon ng Korte Suprema na ang Sulu ay hindi na bahagi ng autonomous re­gion, gayundin din ang hindi sapat na oras para sa paghahanda ng halalan.

Show comments