Dennis, tanggap na ang pagbura ng Baldivia ng mga anak

Tanggap na ni Dennis Padilla ang desisyon ng kanyang mga anak na sina Julia at Claudia Barretto na burahin ang kanyang apelyido.
Nasa tamang edad na raw ang mga ito kaya alam na nila ang kanilang ginagawa.
Maaari na raw magdesisyon ang mga ito para sa kanilang sarili.
At kung masaya raw ang mga anak niya, automatic, masaya ang magulang.
Ito nga in a nutshell ang sinabi ng komedyante sa ilang kausap na writer sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show noong Huwebes ng gabi.
Maaalalang nag-file ng petition si Claudia na burahin na ang apelyido niyang “Baldivia” (tunay na apelyido ni Dennis) sa kanyang pangalan.
Nauna na nitong nag-file si Julia noong 2015.
Mas gusto ng mga anak niya na gamitin ang apelyido ng kanilang inang si Marjorie Barretto.
“Dati kasi underage, 2017 o 2018. Siyempre mga underage pa sila eh. Pero ngayon dahil adults na sila mas madali na sila makapag-decide so with that, happy ako for them,” sabi pa niya sa mga kausap na entertainment media.
- Latest























