^

Metro

Illegal recruiter tiklo sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Illegal recruiter tiklo sa Maynila
Sa ulat kay NBI Director Melvin Matibag, Hulyo 14, 2026 nang isang babaeng undercover agent ang kasamang nag-aplay ng nagpanggap na aplikante ang nagtungo sa klinika para sa hinihi­nging me­dical examination na requirement sa pagtungo sa South Korea bilang overseas Filipino worker.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng illegal recruiter sa isang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) sa isang klinika na nagsisilbing tanggapan, sa Maynila.

Sa ulat kay NBI Director Melvin Matibag, Hulyo 14, 2026 nang isang babaeng undercover agent ang kasamang nag-aplay ng nagpanggap na aplikante ang nagtungo sa klinika para sa hinihi­nging me­dical examination na requirement sa pagtungo sa South Korea bilang overseas Filipino worker.

Nang nasa klinika, humingi ang suspek ng kabayarang P12,000.00 kaya nagtanong ang aplikante kung sila ay awtorisado na mag-recruit at kung may lisensya.

Dahil sa tinuran na paliwanag ng suspek na wala siyang koneksyon sa alinmang lisensyadong recruitment agency at ang pagpapadala ay ipoproseso na lamang sa pamamagitan ng LGU-to-LGU (local ­government unit) na kasunduan.

Nang iabot na ang marked-money, agad nang lumapit ang iba pang NBI agents para arestuhin ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 8042 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995) at Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.

Nabatid sa ulat na marami ang naghain ng reklamo laban sa suspek dahil sa akusasyong iligal ang pagre-recruit ng mga manggagawa.

MELVIN MATIBAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with