^

Pang Movies

Richard at Barbie, may sepanx!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Richard at Barbie, may sepanx!
Barbie Imperial and Richard Gutierrez
STAR / File

Natapos na ang taping ng Blood Vs Duty kaya naman nakararamdam na ng sepanx (separation anxiety) ang real-life sweethearts na sina Richard Gutierrez and Barbie Imperial.

“Alam mo, ngayon pa lang nagsi-sink-in na tapos na ‘yung taping, kasi siyempre, when we were doing the finale, ano ‘yan, eh, hard work, grind talaga sa amin ‘yan, eh, halos walang pahinga,” sey ni Chard nang makatsikahan namin sila ni Barbie sa pocket presscon.

“So, ngayon pa lang nagsi-sink sa amin ‘yung nami-miss ‘yung taping, ‘yung slow mornings, may sepanx siyempre,” dagdag ng aktor.

Siyempre kasama rin daw sa nami-miss nila ang working with each other.

Parehong memorable kina Chard at Barbie ang Blood Vs Duty, dahil ito ang unang pagsasama nila sa isang proyekto.

When asked kung kumustang katrabaho si Barbie, sey ni Chard, “masarap siyang katrabaho, very professional siya, ayaw niyang nale-late, maalaga rin siya sa set sa ‘kin, and at the same time, nakita ko ‘yung galing niya, ‘yung husay niya sa pag-arte.”

Dagdag pa ng aktor, “dito sa ‘Blood Vs Duty,’ I think, nag-shine talaga ‘yung karakter niya dito as Jamilah.”

Naalala pa ni Chard na talagang kabago raw si Barbie noong bago sila magsimulang mag-taping. “Lagi siyang kabado, kinakabahan siya, ‘kaya ko ba ‘to?’ you know, she was questionin her capabilities as an actress, and I was always reaasuring her na ‘kaya mo ‘yan,’” kwento ni Richard.

Timing naman na after the finale ng Blood Vs. Duty sa July 24 ay birthday ni Barbie sa August 1 kaya naman may time sila para mag-celebrate.

Sey ni Chard, “we’re excited for her birthday kasi magse-celebrate siya in a very soulful way.”

Barbie revealed na sa halip na mag-party sila ay pupunta sila ni Richard sa Bicol na kanyang hometown para tumulong sa kanyang kababayan.

“Pupunta kami sa dating school ko, grade school, public school, we’re gonna try to help them, meron po kaming mga medical mission. So, parang relax lang kami,” sey ni Barbie.

“We’re giving back to her community,” ani Chard.

Samantala, marami raw dapat abangan sa finale week ng Blood Vs Duty hanggang sa finale episode nito sa July 24.

“Maraming revelations, maraming drama, maraming mga mabibigat na eksena at lahat ng katanungan ng mga characters sa storyline, unti-unting masasagot sa finale namin,” sey ni Chard.

Nadine, nabigatan sa karanasan sa loveteam

Inamin ni Nadine Lustre na nahirapan din siya sa loveteam culture sa Pilipinas.

As we all know, produkto rin ng loveteam ang aktres. Isa sa pinakasikat sa bansa ang tandem nila ni James Reid na tinawag ngang JaDine.

Sa guesting ni Nadine sa Almost Honest ni Kylie Verzosa ay napag-usapan nila ang loveteam culture sa Pilipinas. “It’s hard, because you don’t know what this is anymore. Like, you get to a point na where you’re always together,” aniya.

Pag-amin niya, may pressure rin talaga kapag nasa isang loveteam ang isang artista. “You have this pressure na you can’t be really seen with another guy or kahit friend mo kasi you don’t wanna hurt the loveteam, the fans, you don’t wanna disappoint people,” saad ni Nadine.

Sey pa ng aktres, may mga pagkakataong nadi-discourage ang ilang kaibigan niya dahil sa sobrang pagiging passionate ng fans sa loveteam.

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with