^

PSN Showbiz

Minions and Monsters, binigyan ng PG

Pilipino Star Ngayon
Minions and Monsters, binigyan ng PG
Para sa mga batang manonood, nariyan ang Minions and Monsters – isang animated comedy film na binigyan ng PG (Parental Guidance) rating. Ito ang pinakabagong pelikula sa Despicable Me franchise at kinabibidahan ng mga boses nina Steve Carrell at Pierre Coffin.
STAR/ File

Nag-aaya ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na dumalaw ang publiko sa mga sinehan upang panoorin ang mga bagong pelikula na sinuri at binigyan ng klasikipikasyon.

Para sa mga batang manonood, nariyan ang Minions and Monsters – isang animated comedy film na binigyan ng PG (Parental Guidance) rating. Ito ang pinakabagong pelikula sa Despicable Me franchise at kinabibidahan ng mga boses nina Steve Carrell at Pierre Coffin.

Kung thriller naman ang inyong hanap, ang The Black Box – tampok si Fabian Arnold – ay ginawaran ng R-13 rating ng MTRCB. Para sa mga mahilig sa mga maaksyong eksena, maaari niyong panoorin ang The Furious – isang martial arts film na tampok si Sahajak Boonthanakit. Binigyan ito ng R-16 rating ng MTRCB.

Kung mga nakakatakot na pelikula ang hilig, nariyan ang Leviticus na kinabibidahan nina Joe Bird and Stacey Clausen. Ang Leviticus ay ekslusibong ipapalabas sa SM Cinemas at binigyan rin ng R-16 rating.

Sa isang pahayag, hinikayat ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang publiko na gamiting gabay ang classification ratings ng board kapag sila ay pumunta sa mga sinehan ngayong linggo.

Ang G o General Audience rating ay nangangahulugan na ang isang pelikula ay angkop na ipalabas para sa lahat ng edad, habang ang PG rating o Parental Guidance ay nangangailangan ng patnubay ng isang magulang o guar­dian para sa mga nakababatang manonood.

Ang R-13 rating naman ay nangangahulugan na ang ang pelikula ay para lamang sa mga manonood edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 movies ay para sa mga manonood edad 16 at pataas.

Samantala, ang pelikulang may R-18 rating ay dapat lamang ipalabas sa mga manonood na nasa wastong edad.

MTRCB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with