^

Probinsiya

Grade 10 na-bully, nagbantang mamamaril ng mga estudyante!

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

Klase sa Batangas City sinuspinde

BATANGAS CITY, Philippines — Agad sinuspinde ang klase sa Batangas City Integrated High School (BCIHS) nitong Lunes, matapos na makatanggap ng pagbabantang mga mensahe na ipinoste online mula umano sa isang estudyante ng Grade 10.

Ayon sa Batangas City Police, nadiskubre ng mga opisyal ng paaralan ang mga naturang mensahe sa opisyal na Facebook page ng Batangas City Integrated High School bandang alas-9:54 ng gabi nitong Linggo, Hunyo 28.

Ang mga post ay nagmula sa isang taong nagpakilalang Grade 10 student na nagbantang babarilin ang mga mag-aaral ng Grade 7, Grade 8, Grade 9, at Grade 10 dahil umano sa naranasang pambu-bully sa kanya.

Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang nasa likod ng dummy Facebook account na ginamit sa pagpapakalat ng mga pagbabanta.

“Ongoing po ang investigation namin. Gusto lang po ­naming malaman kung sino ang nagmamay-ari ng dummy account na ‘yan. Sa kasalukuyan, wala naman tayong nakitang danger sa school na pinuntahan namin bukod sa naipadalang threat sa Facebook,” ayon kay Lt. Sharen Ama, Public Information Officer ng Bata­ngas City Police Station.

Bilang pag-iingat, agad na sinuspinde ng pamunuan ng paaralan ang mga klase upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sa inilabas na opisyal na abiso, sinabihan ng BCIHS ang mga estud­yante, magulang, at mga kawani na huwag munang pumasok o magtungo sa loob ng paaralan habang umiiral ang suspensiyon ng klase.

Pinayuhan din ang mga estudyante, magulang, at kawani na manatiling kalmado, iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, at umasa lamang sa mga opisyal na anunsiyo na inilalabas sa mga opisyal na communication channels ng paaralan.

HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with