Work documents ni Baldwin, nirerepaso ng DOLE

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nirerepaso na nila ang employment documents ni Tab Baldwin, ang nagbitiw na coach ng basketball team ng Ateneo de Manila University.
Ayon sa DOLE, ito’y matapos na matanggap na nila ang verified answer ad cautelam ni Baldwin kaugnay sa legal na estado ng kanyang trabaho sa Pilipinas. Nabatid na mismong ang Office of the Secretary ang nangunguna sa ebalwasyon upang matiyak ang full compliance nito sa istriktong labor laws ng bansa.
Matatandaang inisyuhan ng show cause order ni DOLE Secretary Francis Tolentino si Baldwin upang hingian ng paliwanag kaugnay nang pagkalunod ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili habang nagsasagawa ng team building sa Aurora kamakailan.
Unang itinakda ang pagdinig sa kaso noong Hunyo 15 ngunit hindi nakadalo si Baldwin.
Sinabi naman ng DOLE na ipagpapatuloy nila ang pagdinig sa Lunes, Hunyo 29, kung kailan inaasahan nilang dadalo si Baldwin upang direktang sagutin ang kanilang mga katanungan.
- Latest





















