Seguridad susi sa paglago ng turismo - BI
MANILA, Philippines — Naniniwala ang Bureau of Immigration (BI) na nakatutulong sa paglago ng turismo sa Pilipinas ang mas pinaigting na seguridad sa mga border ng bansa.
Sinabi ni BI spokesperson Sana Sandoval sa panayam na ang border system ay mahalaga na nakikita sa pagtaas ng arrivals kahit sa lean season ng Hunyo, na nananatili pa rin limang “top visitors” —South Koreans, Americans, Canadian, Japanese, at Chinese.
Ani Sandoval, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga dayuhang turistang pumapasok sa bansa ngayong ikalawang quarter ng 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng BI, umabot sa 1.358 milyon ang arrivals noong Abril mula sa 1.337 milyon noong 2025. Tumaas din sa 1.309 milyon ang bilang noong Mayo mula sa 1.299 milyon noong nakaraang taon.
Sa kasalukuyan, itinataguyod ng BI ang isang P10.74 bilyon na Public-Private Partnership project upang baguhin ang mga pamamaraan sa pagkontrol sa hangganan sa 11 pangunahing paliparan, isang internasyonal na pantalan, at anim na border stations.
Ang Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project, na sumusunod sa mga pamantayan at kasanayan ng International Civil Aviation Organization (ICAO) tungkol sa biometrics at border security, ay may kasamang contactless corridors, biometric facial recognition, immigration kiosks, at advanced passenger pre-screening systems.
- Latest
















