Daniel, may meaning ang hard launch kay Kaila!

Tila nag-hard launch na si Daniel Padilla ng relasyon nila ni Kaila Estrada at sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinost niya ang larawan ng aktres.
Sa latest Instagram (IG) post ni DJ ay makikita ang iba’t ibang random photos ng kanyang mga ganap lately kasama ang pamilya at mga kaibigan at kabilang dito ang rumored girlfriend.
Makikita sa larawan na ipinost ng aktor si Kaila na nakasakay sa golf cart.
Makahulugan din ang inilagay na caption ni DJ. Aniya, “There are no ifs, woulds, coulds , shoulds. Its just is. And we just are.”
Mapapansin naman sa comment section ang tila pangangantyaw ng half-brother ni Kaila na si Luigi Muhlach. “Yung isa panay gallery,” aniya.
Sinagot naman ito ni Daniel ng “HAHAHAHAHAHAHAHAHA” habang si Kaila naman ay nag-react ng laughing with tears emoji.
Kaagad nag-viral ang post na ito ng aktor at kanya-kanyang reactions ng netizens. “Kai’s debut on DJ’s IG feed is with his family and friends. Awwww,” komento ng isang KaiNiel fan sa X.
“LOVE THE CAPTION!! OMYGAAAAD,” sey naman ng isa pa.
Anyway, hanggang ngayon ay wala pang pag-amin o kumpirmasyon sina Daniel at Kaila tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero matatandaang sa isang panayam sa aktor ni MJ Felipe ay sinabi niyang hayaan muna sila at huwag muna silang kulitin.
Bianca at Ruru, pinagdudahang break
Dahil nga katatapos lang ng Encantadia Chronicles: Sang’gre, nagkaroon ng time si Bianca Umali na magpahinga at mag-enjoy sa isang out-of-town camping.
Siyempre, kasama niya ang boyfriend na si Ruru Madrid.
Ipinost ng aktor ang mga larawan na kuha mula sa kanilang camping at simpleng caption niya, “I’m home.”
Makikita nga sa larawan ang pagtutulungan nilang mag-set up ng awning, ang pag-watch nila ng sunset together, ang quiet relaxation kung saan ay nakaupo lang sila at pinapanood lang ang nature sa paligid nila, at iba pang mga ganap.
Actually, mapapansin nga sa IG feeds ng dalawa na medyo matagal-tagal na rin silang walang photos na magkasama dahil na rin sa pareho silang busy sa kani-kanilang work. May mga nang-intriga na nga na baka break na sila.
Gabbi, magso-solo sa France
Nakatakda ring magbakasyon ang isa pang bida ng Encantadia Chronicles: Sang’gre na si Gabbi Garcia.
Lilipad ang aktres patungong France naman next week, and this time ay hindi niya kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos at magso-solo travel lang siya.
Sey ni Gabbi sa panayam sa 24 Oras, gift daw niya sa kanyang sarili ang naturang travel. “After my work in Paris, I’ll be extending for a solo trip naman. So parang gift ko siya sa sarili ko for my late 20s,” aniya.
Ayon sa aktres ay dadalo siya sa French open sa nasabing bansa at wish niyang makita roon ang kanyang favorite tennis players. “Hopefully, makanood ako ng mga favorite kong tennis players, makita ko sila in person,” sey ng aktres.
- Latest

























