Jameson, nilalait-lait ng fans ni Barbie!

May ibang fans si Barbie Forteza at BarDa fans na hindi pabor kay Jameson Blake para maging boyfriend ng aktres at ang OA ng reaction nila. Para bang ikakasal na ang dalawa sa kanilang pag-ayaw at grabe sila kung maka-down kay Jameson.
Isyu sa kanila na mas may pera si Barbie kesa sa actor, mas malaki rin daw ang talent fee nito at mas may career. Sa dalawa, mas may malaking pakinabang daw ito at gusto lang daw magkaroon ito ng publicity para sumikat kaya dumidikit kay Barbie.
Big deal din sa kanila ang pagpunta ni Barbie sa bahay ng lola ng aktor na hindi raw bahay ng artista.
Ayon sa fans ni Jameson, sa Pampanga ang bahay ng mom ng aktor at sa condo naman ito nag-i-stay. Malamang wala pa itong sariling bahay dahil hindi pa siya big star, pero hindi ibig sabihin na ginagamit niya si Barbie para sumikat at magka-project.
Ginawa raw ng dalawa ang Kontrabida Academy na hindi pa sila nali-link at naging isyu lang nang makitang nagho-holding hands sa sinasalihan nilang fun run at lately, sa mga event na sila’y magkasama.
Sinagot din ng fans ni Jameson ang pagkukumpara sa kanila ni David Licauco na sabi ng BarDa fans ay mas mayaman, mas may career, maraming business. Alam daw ito ni Barbie, pero bakit si Jameson pa rin ang pinili ng aktres.
Dagdag pa ng fans ni Jameson, kung para sa BarDa fans, na kay David na ang lahat at mas good choice siya kesa kay Jameson, hindi naman ito nanliligaw kay Barbie.
In fact, naka-three girlfriends na raw ito habang love team sila ni Barbie, kabilang ang girlfriend ngayon.
Anyway, ang actress pa rin naman ang masusunod at siya ang pipili kung sino ang kanyang mamahalin.
Kung hindi ito isyu sa parents ng aktres at kasama pa nga nito ang dad niya nang bumisita sa bahay ng lola ni Jameson, bakit isyu ito sa fans?
Carlo, apektado na rin sa kontrobersya ng mga contractor
Apektado na rin si Carlo Aquino sa isyu sa flood control at nag-post na rin siya ng kanyang reaction. Wala siyang binanggit na isyu at pangalan, pero alam ng mga nakabasa kung ano ang gusto niyang tukuyin.
“Hindi naman pala spoiled.. Hindi galing sa taxpayers money. Ano kayang trabaho puwede ko gawin para maging ganun karangya ang buhay ko.”
Natutuwa ang netizens na dumarami ang mga artista na nagpapahayag ng pagkadismaya sa nangyayari ngayon sa bansa.
Patuloy ang panawagan ng netizens na pangunahan ng mga artista at iba pang celebrity ang public protest lalo at karamihan sa kanila ay top taxpayers.
- Latest




















