^

PSN Palaro

Vic Manuel kailangang magtrabaho sa San Miguel Beer

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Vic Manuel kailangang magtrabaho sa San Miguel Beer
Vic Manuel.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kayod-kalabaw ang gagawin ni Vic Manuel para makatulong sa kampanya ng San Miguel Beer sa nalalapit na pagbubukas ng PBA Season 46 Governors’ Cup.

Nais ni Manuel na patunayan na karapat-dapat ito sa tiwalang ibinigay ng SMB management lalo pa’t malaking puwesto ang pupunan nito.

Naging kapalit ni Ma-nuel sa kaponan ng Beermen si dating MVP Arwind Santos na siyang nalipat sa NorthPort Batang Pier.

Kaya naman para kay Manuel, hindi puwedeng tutunga-tunganga.

Kailangang mailabas nito ang lahat ng naitatago niyang puwersa upang patunayang may ibubuga ito.

“Hindi naman ako puwedeng tutunganga na lang doon. Kailangang ipakita na may ibubuga at may maitutulong ka sa team,” ani Manuel.

Excited na si Manuel na makasama ang SMB na isang champion team at itinuturing na isa sa may pinakamalakas na lineup sa liga.

Hindi naman na bago si Manuel sa ibang teammates nito na sina sixth-time MVP June Mar Fajardo, Chris Ross at Marcio Lassiter na nakasama na niya sa national team noong 2019 Southeast Asian Games na pinagharian ng Pinoy cagers.

Sa kabilang banda, na-ging teammate ni Manuel si Terence Romeo sa Cebuana Lhuillier sa PBA D-League noong 2011.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with