^

PSN Showbiz

Jennylyn at Nyoy, may nakaraan!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn at Nyoy, may nakaraan!
Jennylyn Mercado.
STAR/ File

Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang mapasikat ni Nyoy Volante ang kantang Nasaan Ka Na.

Naliligo lamang daw noon at naghahanap ng sabon nang maisipang isulat ng singer-songwriter ang naturang kanta. “Partly true. Kapag sumusulat ka kasi ng kanta, Tito Boy, minsan it’s just a tune. It’s something that you hum. Pero wala pa talagang kanta. Kumbaga, it’s just a tune na inulit-ulit ko.

“Hanggang sa makaisip ako, pero wala akong maisip. And then naliligo ako no’ng hina-hum ko siya. Tapos hindi ko makita ‘yung sabon. ‘Nasaan ka na? Uy! maganda ‘yon ah.’ Tapos basang-basa pa ako lumabas ako para i-record siya. Kasi as a songwri­ter kapag may nalimutan kang ano, tapos na, wala, malilimutan mo na talaga agad eh.

Lumabas talaga ako ng banyo, basang-basa ako, hubo’t hubad pa ako. ‘yon nga para lang ma-record ko siya. Then after that, tinuloy ko na ‘yung song, ‘yon ang kinalabasan,” natatawang kwento sa amin ni Nyoy sa Fast Talk with Boy Abunda.

Noong binata pa lamang ay naranasan ng singer-songwriter na pinupuntahan ng mga tagahanga sa kanyang condominium unit kapag madaling araw. “Minsan kasi nakakalusot sila. Pumupunta sila sa bahay kahit wala ako. Tapos dumarating ako, merong fruit basket, may mga pagkain, pero wala sila. Minsan madaling araw may kakatok pero hindi ko na bubuksan siyempre madaling araw eh. Pero nakikita ko sila, isang grupo sila do’n sa labas,” pagbabahagi niya.

Matatandaang naging magkasintahan sina Nina at Nyoy na nagkahiwalay noong 2007. Napasikat ni Nina ang kantang Someday na mismong si Nyoy ang sumulat. “No’ng panahon na ‘yon I was actually writing this for myself. Pero ako, nagbubuo pa lang ako ng album. Then siya, patapos na ‘yung album niya. Then she needed like two more songs. One song for her, this one is supposed to be mine. Kaya lang nagde-deadline na. Kaysa bumuo pa ako ng isang awitin, sinama ko na lang itong ‘Someday.’ Then eventually she made it very famous. I’m actually very grateful to this song. Ito ‘yung awitin ko na umabot na ng international. Everyone wants a version. Koreans have been reaching out to me because of the song. Sabi nila baka we can do a version. Si Ate Regine (Velasquez) wanted a version for herself. Ang daming gustong mag-version,” paglalahad ng singer-songwriter.

Matagal nang walang komunikasyon sa pagitan ng dating magkasintahan. Para kay Nyoy ay wala na umanong dahilan lalo pa’t may kanya-kanya na silang sariling pamilya ni Nina. “Everyone’s moved on. Pareho kaming may asawa na. I don’t think there’s a reason anymore right now to reach out to each other. Pero ako, I can’t really speak for everyone eh. Wala akong problem, I’m just here. I do what I need to do. I’m very happy with the family and the life that I have right now. So okay na ‘yon, I’m good,” pagtatapat ni Nyoy.

Samantala, napabalitang niligawan din ni Nyoy si Jennylyn Mercado noon. Pinagselosan pa raw ni Mark Herras ang singer-songwriter dati. “Grabe naman, hindi ko na alam ‘yon. Jennylyn and I, noong mga panahon na ‘yon, there was a point in time naging close kami talaga. She was watching my shows. We were hanging out. Walang any label. What we had is what we had. It was there. I definitely was a very much fan of her. Whatever we had before, wala siyang label or anything. Sobrang naging close lang kami before,” masayang pagtatapos ng singer-songwriter.

(Reports from JCC)

JENNYLYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with