^

PSN Showbiz

Mika, laging busog kay Will!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mika, laging busog kay Will!
Mika at Will
STAR / File

Muling nililigawan ni Will Ashley si Mika Salamanca. Madalas na magkasama ang dalawa mula nang matapos ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition noong isang taon.

Ayon kay Will ay talagang napapasaya siya ng dalaga. “Grabe rin kasi ‘yung energy na nabibigay ni Miks eh. Kumbaga lagi niya akong pinapasaya,” pagtatapat ni Will sa 24 Oras.

Matatandaang niligawan na ng aktor si Mika noon pero na-friendzone lamang umano si Will. Palagi raw busog si Mika dahil sa ginagawang panliligaw ng aktor. “Actually, napakagaling pong manligaw ni Will. Talagang lagi akong busog. Ngayon ang level, parang gumaganda ang ngiti ko sa iyo. ‘Yon lang ang masasabi ko,” sagot ni Mika kay Will.

Ipinagdiriwang ni Will ngayong araw ang kanyang ika-24 na kaarawan. Mayroon umanong inihahandang sorpesa si Mika para kay Will. Ibibigay na kaya ng aktres ang kanyang matamis na ‘oo’ sa binata? “Tingnan natin, porke’t birthday mo, gusto mo ‘yon ang gift? Tingnan po natin kung magiging consistent pa siya lalo. Gusto ko pong gawing special ‘yung birthday niya. Since lagi nga po kaming magkasama sa taping,” makahulugang pahayag ni Mika.

“Ngayon lang talaga ako nag-set ng mga gagawin para sa birthday ko. Kasi usually gusto ko simple lang pero this time, ito ‘yung pinakamahabang celebration ng birthday ko. Kasama ng friends ko, ng family and siya,” pagbabahagi naman ni Will.

Samantala, malapit nang mapanood ang Delivery Boi sa GMA Network na pinagbibidahan ni Will. Tatalakayin sa bagong serye kung paano ang pamumuhay ng isang delivery rider. “Tayong mga Filipino, hindi naman natin nakikita kung ano ‘yung backstory ng mga nagde-deliver sa atin ng mga pagkain eh. Dito sa Delivery Boi, makikita nila siyempre ‘yung struggles ng mga riders. Kung ano ba sila outside work nila, with ‘yung family nila. Tapos ‘yung kasama nila sa trabaho,” paglalahad ng aktor.

Si Mika ang makakatambal ni Will sa naturang serye ng Kapuso network. “Ako po ang dispatcher nila. Hindi lang po riders ‘yung makikita nilang istorya. Pati po ‘yung nagpa-pack ng delivery nila. Kung paano po ‘yung proseso ng pagde-deliver. Mata-tackle din po sa palabas na ‘to,” pagtatapos ng dalaga.

AiAi, may payo sana sa bagong asawa ni Gerald

Kamakailan ay napabalitang nagpakasal nang muli ang dating asawa ni AiAi delas Alas na si Gerald Sibayan. Dalawang taon na ang nakalilipas nang magkahiwalay ang dalawa.

Nagbigay ng reaksyon ang aktres tungkol sa pag-aasawang muli ng dating mister. “Wala, kasi two years naman kami na waley na. I really wish him well,” bungad ni AiAi sa programang Kalurks ng GTV.

Nagbigay rin ng payo ang Comedy Queen para sa bagong asawa ni Gerald ngayon. “Buti na lang hindi niya ako kinuhang ninang. Kasi ‘pag ninang ka, bawal kang tumanggi. So kung bawal kang tumanggi, ako na lang ‘yung magiging second na magulang nila.

“So siyempre kung second na magulang ako, bibigyan ko ng payo ‘yung girl. Sasabihin ko sa kanila, ‘Girl, oh, mag-ingat ka. Baka mamaya, magaya ka sa akin. Malay mo 10, five, two years from now, magiging tanging ina ka rin,” masayang pahayag ng aktres.

(Reports from JCC)

MIKA SALAMANCA

WILL ASHLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with