Remembering Direk Monti
Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ni Direk Monti Parungao matapos matuklasang may colon cancer sya noong 2024, hanggang sa sya ay mamaalam nitong nakaraang September 1.
Naging honest sya sa hirap na kanyang hinaharap sa kanyang mga post sa facebook. Pero lumaban sya hanggang sa huli.
Si Direk Monti ang direktor ng BL movies na Sagwan, Brothers in Law, Santuaryo, Pulupot, Kape Barako at The Escort.
Sa telebisyon naman, ilan sa nadirek nya ang Survivor Philippines at Starstruck Season 7 sa GMA7.
Siya ang naging direktor ko sa kauna unahan kong showbiz talk show, ang Tweetbiz sa QTV 11 kasama sina Tim Yap, Sam Yg, Maxene Magalona at ilang mga showbiz insiders. (nenita pa ako dyan!) Naalala ko nung una kaming magkita sa technical rehearsals ng show. Nilapitan nya ako para sabihan ako ng mga positibong komento tungkol sa hosting ko. (love you, direk!)
Magaan katrabaho si direk. Nakukuha pa naming magbiruan (at maglandian!) bago sumalang sa taping. Pero kapag rolling na, aandar na ang kanyang creativity at passion sa trabaho. (may mga pa-bonding pa ‘yan sa condo nya noon!)
Hindi ako nagdalawang-isip nang pakiusapan nyang gamitin ang boses ko sa isang eksena ng pelikula nyang Pulupot. (nakikinig ng radyo ‘yung isang bida! kokoda lang ako!)
Hindi ko lang sya napagbigyan nung gusto nya ako mag-audition para sa isang season ng Survivor Philippines. (bilang ‘di ko kaya mag-stay sa gubat!)
Nakatrabaho ko rin sya sa ilang game shows at reality shows na hinost ko sa TV5. Never syang nagbago. Very professional at laging may words of wisdom pag-off cam kami. (parang maam charo?!)
No more pain Direk. Rest in Peace.
(sa heaven ka na sisigaw ng action!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest
























