Will, susubok sa comedy

Muling pakikiligin nina Mika Salamanca at Will Ashley ang kanilang mga tagahanga dahil magkakatambal sa Delivery Boi.
Para sa aktor ay magiging magaan na lamang ang kanilang trabaho ngayon ni Mika para sa bagong serye ng GMA. “Si Mika sobrang random person. Feeling ko mas magiging madali ‘to kasi isa nga ‘yung komportable na kami sa isa’t isa. Nagkatrabaho na kami, nagkasama kami sa loob ng bahay (ni Kuya sa Pinoy Big Brother). So magiging madali siya for me,” nakangiting pahayag ni Will sa 24 Oras.
Ayon naman kay Mika ay talagang napahanga siya sa pagiging magaling na aktor ni Will mula noon pa man. “Very professional, Will, nakikita mo talaga sa kanya ‘yung 10 taon. Lagpas na taon niya sa pagtatrabaho sa pagiging artista,” paglalarawan ni Mika sa aktor.
Ngayon lamang umano nakagawa si Will na komedya ang tema na malayung-malayo sa kanyang mga naging proyekto noon. “Tawag po nila dito tawa-serye. Kaya super light lang talaga nitong series na ‘to. Malayo siya sa mga nagawa ko before na puro iyakan, puro confrontation,” pagbabahagi ng binata.
Kaabang-abang din ang bagong karakter na gagampanan ni Mika sa naturang seerye. “Sa mga past, very umiiyak sila lagi, very sad ‘yung mga character, may pinaglalaban. Here, may pinaglalaban pa rin po ako pero it’s for other people. It’s for the mga nagde-deliver na mga tao. And very masayahin ako dito. As in sobra,” paglalahad ng aktres.
Dustbia, may rebelasyon sa concert
Puspusan na ang ginagawang paghahanda nina Bianca de Vera at Dustin Yu para sa DustBia Love, Actually… A #DustBia Kilig Celebration concert. Gaganapin ito sa New Frontier Theater ngayong Aug. 8.
Sobrang tutok daw ng magkatambal sa lahat ng detalye ng nalalapit nilang concert. “Parang naka-ilang meetings kami. Tapos even after that Dustin and I would call at night. ‘Magandang idea kaya ‘to? Ganito kaya gawin natin.’ Alam mo ‘yung laging naglalaro ‘yung utak namin. Actually, na-appreciate ko and namin na binibigyan nila kami ng freedom because Dustin and I believe that we’re both creative in our own way,” kwento ni Bianca.
Kailangan umanong pakaabangan ng mga tagahanga ng tambalang DustBia kung ano ang mangyayari sa concert. Isang sorpresa raw ang naghihintay sa mismong gabi ng kanilang show. “’Pag i-announce namin ‘yung surprise namin, ipapa-off namin ‘yung phones nila para walang mag-post. So kailangan nila pumunta sa concert,” patikim ng aktor sa mangyayari,” dagdag naman ni Bianca. (Reports from JCC)
- Latest























