Kathryn, naglabas ng teaser

Inilabas na ng ABS-CBN ang special teaser tampok si Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa inaabangang seryeng Someone, Someday na mapapanood na sa primetime ngayong Hulyo 27.
Isa na namang kapana-panabik na karakter ang gagampanan ni Kathryn bilang empowered na babae sa isang feel-good na serye.
Ipinasilip sa teaser ang karakter ni Kathryn bilang ang best na ate, boss at best friend. Nagpatikim din ng ilang mga dapat abangan na eksena niya kasama ang mga co-star na sina James Reid at Maja Salvador.
Pinagbibidahan din ito nina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy de Leon, Daniela Stranner, at kasama si Migs Casimiro.
Kaya asahan din na magiging aktibo na ulit si Kathryn sa social media.
- Latest






















