Kim, mas palaban na!

MANILA, Philippines — Comment ng fans, palaban si Kim Chiu ngayon sa kanyang bashers dahil nire-repost nito sa X ang post ng kanyang fans defending her kay Ogie Diaz.
Sample ng ni-repost ni Kim, “Kimmy is so brave now. So as a fan, whatever happens, I will believe that she can handle anything. We’ll just stay and have her back. We raised a strong woman indeed.”
Isa pang ni-repost ni Kim, “Why are you so kind? You are the exact embodiment of the saying, “When someone throws a stone at you, throw back bread.” You respond to hostility with kindness and repay evil with blessings. What if just once, you threw a stone back at them? But that’s not you, and I wouldn’t wish for you to be like that.”
Para sa fans ni Kim, tama ang ginagawa nito na hindi na sumagot at ang fans na lang niya ang nagsasalita for her by reposting their comments.
Anyway, ipinakita niya ang suporta sa opening ng bagong business ni Paulo Avelino na Play Space by sharing the actor’s Instagram Story about his business. May kasama pang wish na “Congrats on your new venture.”
Wedding reveal ni Vanness, kinokonek kay Ellen
Nakakatawa at nakakatuwa ang feedback ng netizens sa pagka-reveal sa new wife ni Vaness Wu dahil ikinu-connect sa pagkikita nina Vaness at Ellen Adarna sa concert dito ng F4.
Comments na “Kasalanan ni Ellen Adarna to, kaya napaamin si Vaness,” “Nagpa-picture lang si Ellen hahaha,” “May pa tagging pa kc yung Ellen kay Vaness yan tuloy wifey reveal na,” “Antay lang tayo sa 3rd marriage kay Ellen Adarna,” at “Dapat nagpa-pic din si Ellen kay Jerry...baka mag-reveal din.”
May mga hindi naka-gets sa joke at binash si Ellen, mas bata at prettier daw sa kanya ang second wife ni Vaness. May mga umalma sa sinabing mas bata ang second wife ni Vanness kay Ellen na 35 years old dahil three years lang daw ang tanda ni Ellen who is 38 years old.
Ikakasal na rin daw si Vic Chou, kaya si Jerry Yan na lang ang single sa F4. Nagbiruan ang fans na kay Jerry na lang nila isi-ship si Ellen dahil crush naman din ni Ellen si Jerry.
Ian at Matet, nag-usap na
Masaya ang Noranians dahil mukhang malapit nang magkasundo sina Ian de Leon at kapatid na si Matet de Leon. Nabasa ng Noranians ang Facebook post ni Ian na “Thank you so much for the wonderful conversation! God bless us and our family!@Matet.”
Noong June 30 ang post na ‘yun ni Ian, nauna ang June 29 post ni Matet ng old photo nila nina Ian, Lotlot de Leon at Nora Aunor noong mga bata pa sila. In fact, baby pa si Matet sa photo, wala pa siyang buhok, ang mapapansin, masaya silang apat at ang gaganda ng mga ngiti.
Ang mga eksenang ‘yun ang hinahanap ng Noranians, parang malabo na raw mangyari na magsama-sama pa ang magkakapatid. Pero dahil sa post ni Matet at post ni Ian, nagkaroon ng pag-asa ang Noranians.
Unsolicited advice ng fans kina Ian, Matet at Lotlot, ‘wag na silang magsasalita o magpo-post sa socmed at pag-usapan in private ang mga isyu nila para hindi na lumala. This way, walang makikisawsaw na nakakadagdag lang para lumala ang alitan nilang magkakapatid.
May mga naiyak sa post ni Ian at marami ang nagpasalamat na finally, may komunikasyon na sina Ian at Matet.
- Latest





















