^

PSN Showbiz

Angel nagka depresyon, nagpalit ng pangalan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Angel nagka depresyon, nagpalit ng pangalan!
Angel Castro

Inamin ni Angel Castro na nagpalit siya ng screen name mula sa Claire Castro dahil sa pagkakapareho ng huli sa undersecretary ng Presidential Communications Office.

Mahirap daw kasing makita ang pagkakakilanlan kapag sine-search online dahil mas maraming luma­labas tungkol kay Usec. Castro sa search result.

“If you search her name, hindi mo makikita ‘yung stint ko sa GMA, ‘yung mga work ko. Natabunan po. So, I changed into my real name, which is Angelica.”

Si Angel ay hu­ling napanood sa GMA Afternoon Prime series na Makiling (2024). Bago ito, naging viral din ang mga eksena ng dating Sparkle talent sa teledramang Nagbabagang Luha.

Kasabay ng pagpapakilala niya sa bagong screen name ang pagbabago ng image ni Angel dahil ngayon ay kinikilala na siyang VMX Prime Crush.

Inamin niya na hindi pa niya direktang sinasabi sa kanyang mga magulang (Diego Castro and Raven Villanueva) ang tungkol sa kanyang pagpapa-sexy.

Sa tingin ni Angel ay alam na rin ito ng kanyang mga magulang, partikular na ang kanyang ama, na isa na ngayong broadcaster.

“He probably knows already because he sees my posts on Instagram. Wala rin po siyang magawa kasi, siyempre, I make my own money; I live alone. And I’m much older so I don’t think he has any qualms pa, and he knows that it’s just acting.”

Para sa kanya, bilang anak ng dating celebrity couple, naging personal mission niya ang ma­ging bahagi ng industriyang kinabibilangan noon ng kanyang mga magulang.

“I was born during the era na artista pa ang parents ko. That’s why they stopped, because of me. So, parang I want to continue ‘yung hindi nila natapos.”

Ngunit kaakibat ng unti-unti niyang pagpasok sa showbiz noon ay ang mga negatibong komento, lalo na ang personal na pamba-bash ng publiko.

Ang hate comments daw na nakuha niya habang ginagawa ang Nagbabagang Luha ay nag-trigger ng depression ni Angel, na naging dahilan ng sandaling paghinto sa showbiz.

“Ang daming haters, death threats, whatever. Lahat na lang sa akin, nakikita nila. Kahit ‘yung mga hindi ko nakikita sa sarili ko, nakikita nila. So, I went to a shrink, and I got diagnosed with depression. Talagang hindi ko po kinaya,” paglalahad ng aktres.

Sa palagay rin niya ay wala pa siyang lakas ng loob noon para harapin ang pamba-bash sa kanya.

“Kahit anong sabihin mong mali, I’d believe in myself. I know my flaws, pero I’m still confident about myself. Now, I’m much stronger, much wiser. I’ve recovered. I took two years off, and I feel like I really needed it.”

Pero ngayon, handang-handa na raw siyang magbalik sa showbiz.

“Now, I feel like I’m much more fierce and if you say something bad about me, I’m not gonna believe you. Even if totoong may something bad about me, wala akong pake basta I’m happy with myself,” pagtatapos ni Angel.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with