^

PSN Showbiz

Yasmien, adik sa libro

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, adik sa libro
Yasmien Kurdi

Nakabalik na sa bansa sina Yasmien Kurdi pagkatapos nang mahaba-habang bakas­yon ng kanilang buong pamilya sa Europe.

At malamang kasama siya sa mga nag-back to school kahapon.

Nag-aabogasya si Yasmien sa kasalukuyan at nung minsan ay nag-post siya ng mga librong binasa niya raw ang bawat pahina.

Marami na ang hindi nagbabasa ng libro sa kasalukuyan.

Digital book na ang karamihan o audio book, pero may katulad pa ni Yasmien na mas gustong magbasa ng hard copies.

Ang daming libro sa kanyang paligid : “Dahil malapit na rin ang pasukan ko (less than a month na lang). Decluttering time!  Para may space na sa mga susunod pang books next sem.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na nabasa ko lahat ng ito from cover to cover (except sa codals ng Rules of Court at Civil Code, kasi sila naman ang mga susunod kong aaralin).

“Hindi naman talaga ako bookworm, pero sa law school, mapipilitan kang mahalin ang pagbabasa.

“For the past year, naging constant companions ko ang mga libro nina Fr. Bernas, Reyes, at De Leon. Maraming salamat sa mga aklat na ginawa ninyo. Hindi ko alam kung paano ko masu-survive ang law school kung wala ang malinaw na paliwanag sa batas.

“Nakakatuwang balikan ang mga librong ito dahil bawat pahina may kasamang post it notes for recits at exams

“Favorite 1st Year Subject: Criminal Law

Most Challenging Subject Last Sem: Oblicon

Favorite Book: Constitutional Law by Fr. Bernas (sobrang detailed at gusto ko yung may historical context muna bago ang legal discussion)

“Done with 1L sheesh!

“#LawSchoolLife #Decluttering #BookShelfCleanout #OneBookAtATime #LawStudentDiaries.”

Pero hindi naman lahat ay papuri may iba rin namang na-bash sa kanya dahil sa kanyang post.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with