^

PSN Showbiz

Royce, nanakawan sa Fun Run!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Royce, nanakawan  sa Fun Run!
Royce Cabrera.
STAR/ File

Masaya ang Sparkle fun run na ginanap sa Quirino Grandstand noong nakaraang Sabado.

Maganda ang ginawa nilang ito, dahil sa halip na magpa-gala sila, ngayong panahon na nagtaasan ang gasolina, pati mga bilihin, hindi praktikal na magpagarbo sa isang gala night.

Pero meron palang nangyaring nakawan at nabiktima ang Kapuso hunk na si Masaya ang Sparkle fun run na ginanap sa Quirino Grandstand noong nakaraang Sabado.

Ipinost ni Royce sa kanyang social media account ang nangyari sa kanya: “Akala ko hindi ito mangyayari sakin pero naranasan ko. Nanakawan ako ng bag du­ring our event.

“Hindi ko inaasahan dahil naging abala kami sa event at naging kampante nako na ligtas na ang gamit ko dahil kasama nito ang iba pang gamit ng mga kasamahan ko.

“Pero sapat na pala ang ilang minutong pagka-busy para manakawan o mawalan ng gamit. Pero isang bagay ang sigurado ako—hindi aksidente ang nangyari dahil sa lahat ng pwede mawala bukod tanging gamit ko lang talaga ang pinili mong kunin.

“Buti nalang at nasa bag ang Airpods ko kaya mabilis ko agad na-track ang kinaroroonan nito. From Quirino Grandstand napunta ng Circuit makati.

“Pinuntahan namin ito kasama ng dalawang pulis at isang marshall. Sa ilang beses naming pag-iikot tila ba nawalan nako ng pag-asa mahanap pa at nag-aya nalang umuwi na. Palabas na kami ng mall ng bigla nalang namin nakita ang bag ko sa poste kung saan malapit na nakapark ang mobil. Nakalapag at bukas lahat ng zipper. Agad ko itong kinuha.

“At ito ang mga nawala: car keys, damit and towel na basa ng pawis, 5k run finisher medal, case ng airpods.”

Si Royce ang nagma-may-ari nung mga gamit na ‘yun na nakakapagtakang bakit ‘yun ang napiling nakawin nung taong ‘yun. Lalaki, babae o bading kaya ang kumuha?

Nagpasalamat si Royce sa mga kapulisan na tumulong sa kanya para matunton ang nagnakaw. Aniya, “Hindi ko maalis ang hindi mabahala sa mga bagay na pinili mong kunin. Hindi dahil sa halaga ng mga ito, kundi dahil nakakapagtaka kung bakit iyon mismo ang mga naging target mong kunin.

“Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay mo pero kung sino ka man, sana tigilan mo na ang ganyang modus. Gusto kong intindihan kung bakit mo yun nagawa pero sigurado ako na doble ang bad karma na balik sayo sa ganyang klaseng gawain.

“Patuloy ko pa rin ito gagawan ng aksyon. Plano ko mag file ng police report at magpa check ng cctv within the vicinity.

“PS: Gusto ko naman magpasalamat sa mga masigasig na pulis ng Station 5. Na sina PAT Lisbo at PAT Endaya at sa isa sa mga marshall ng event na si Kuya Jun sa pagsama sakin sa paghahanap. Sobrang appreciated ko ang time and effort niyo. “

Eric, tuloy ang negosyo sa ama!

Bentang-benta pa rin kahit sa social media ang lumang clips ng pelikula at sitcom ng namayapang Comedy King Dolphy.

“So, parang ang amin talaga, ang purpose namin is to continue his le­gacy. More on legacy. Pero siyempre,  may business na involved e,” sabi ni Eric Quizon tungkol sa sinimulan nilang negosyo.

“Although, yes... like I said, pero ako para sa akin it’s more on his legacy,” saad ng actor/director.

Kaya nagpapasalamat siyang ang laki raw talaga ng impact na iniwan ng kanilang ama. “Kumbaga, parang kulang ‘yung magsabi ako sa daddy ko na maski nasa langit na siya. But, ‘thank you, Daddy, for all of these.

“Because, dun natin nakikita na iba talaga ‘yung naging impact ng daddy ko sa Philippine society. ‘Pag napapanood ng mga tao ‘yung mga ginawa niya, parang timeless.

“So, parang... people still laugh at his old movies. Maski paulit-ulit natutuwa sila. So, kumbaga ‘yun lang ‘yung masasabi ko. ‘Yung impact ng daddy ko na napasaya niya ang maraming Pilipino, ‘yun pa lang natutuwa na ako. So, kami rin ang mga anak niya, even if ayaw namin o hindi namin pinupursige. Basta kusa na lang siyang dumarating. Kaya ako, ‘pag dumara­ting ‘yun, ipagpatuloy ko pa rin talaga  ‘yung legacy,” dagdag niyang pahayag.

Bukod sa mga nasimulan nilang negosyo, nagagawa pa rin ni Eric ang isa sa gusto niyang gawin, ang pag-arte at pagdidirek. Kasali siya sa bagong drama series ng GMA 7 na Delivery Boy na pinagbibidahan ni Will Ashley.

Naka-focus din siya sa promo ng pelikula ng Regal Entertainment na Project Baby na siya ang nagdirek. Sa June 10 na ang showing nito sa mga sinehan.

Isa nga pala si Eric sa mga dumalo sa selebrasyon ng anibersaryo ng 88 VIP Ventures Corp and VIP 88 IT Solutions Inc. through Future Footprint 2026 na ginanap sa Cine Trigger, Quezon City noong Biyernes, May 29.

Si Eric and endorser ng JuanMeds, pero nakita namin doon ang booth ng kanyang Pidol’s bakeshop. Sabi ni Eric, inaa­yos pa raw nila ang posibilidad na partnership ng naturang bakery sa JuanMeds na ineendorso niya.

ROYCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with