^

PSN Showbiz

Ang Koolpals at Ako

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Dagsa na ang mga podcast bilang ‘yan na ang uso ngayon. (kahit sino go!) May kanya kanyang tema at trip. (walang basagan ng trip!) Kahit nga ang youtube channel kong WTFu, may podcast version na rin. (papahuli ba naman kami?!)

Isa sa sikat na Filipino podcast ay ang The KoolPals (mga koo..lpals talaga?!) na kinabibilangan ng mga stand up comedians na sina James Caraan, GB Labrador, Nonong Ballinan, Ryan Rems Sarita and Muman Re-yes. (mga tropa kong boys!)

Tulad ng karamihang podcasters, nagsimula lang sila sa isang maliit na kwarto hanggang sa nakarir na magkaroon ng studio at mas maraming equipment. (kumikitang kabuhayan na ba?!) Meron na nga silang sariling bar ang The KoolPals Bar sa loob ng Century Park Hotel. (may pa-bar at hotel ha!) Madalas dito na nila ginagawa ang kanilang weekly podcast kasama ang bar goers bilang live audience. (may budget ha!)

Anything goes sa show.(walang filter! walang script!) Kwentuhan lang ng mga lalaki. (na minsan parang mga lasing kahit hindi o baka naman talaga?!) Mula sa iba’t ibang larangan ang guest per episode. May artista, newscaster, content creator, author, public servant, starlet, boylet, (basta may pwedeng iambag!)

7 years na ang kanilang podcast at ise-ce-lebrate nila ito sa The Tent Las Pinas sa May 30. (papaandar ang mga boys!)

Kamakailan ay sumalang ako sa isang episode nila. Nakasama ko kasi si James Caraan sa isang raket, sya ang nag-imbita sa’kin (bilang parang mahal ko na sya, go ako!) Masaya ang naging episode. (di ata nila kinaya mga hanash ko!) Ia-upload nila ito next month bilang bahagi ng kanilang pride month special. (bakit, bading ba ako?! wag nyo ko siraan ha!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

PODCAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with