^

PSN Showbiz

John, na-link din sa ibang babae

RATED A. - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
John, na-link din sa ibang babae
John

Nag-post sa social media ang si John Prats para ibahagi ang kanyang nakakaantig na pagbati sa kanyang asawa na si Isabel Oli, para sa kanilang ika-11 na anibersaryo ng kasal.

Sa kanyang Instagram post noong Sabado, May 16, nagbahagi si John ng mga larawan mula sa kanilang renewal of vows noong nakaraang taon bilang paggunita sa kanilang anibersaryo.

“Happy 11th wedding anniversary sa ating dalawa... at sa patience mo sa ‘kin. I love you, wifey,” caption pa niya.

Nag-propose si John kay Isabel sa pamamagitan ng isang flash mob sa Eastwood City noong 2014, at kalaunan ay ikinasal sila noong May 16, 2015, matapos ang dalawang taong pagliligawan.

The couple now has three children: Lilly Feather (born in April 2016), Daniel Freedom (born in November 2018), and Lilla Forest (born in July 2020).

Sa GMA reality series na Heart World, John revealed na ang kanyang former love team na si Heart Evangelista, ay may kinalaman kung bakit sila nagkakilala ni Isabel.

May pagkakataong na-link si John sa ibang babae kahit kasal na sila ni Isabel, pero pulos intriga lang.

Wilbert, nagulat sa silent fans

Nag-viral kamakailan ang pag-iyak ni Wilbert Ross dahil mabilis na sold out ang kanyang WRten By concert sa July 25 and 26 sa New Frontier Theater.

Nabanggit ng actor-singer na matinding anxiety ang nararamdaman niya bago ang simula ng pagbebenta ng ticket para sa kanyang two-night concert.

“Hindi ko alam, never akong nakampante sa buhay. Nandoon ako lagi sa thought na hindi ako sure kung kaya kong mapuno or marami bang manonood. Basta ang nasa isip ko lang, sana ma-sold out ko siya kahit gaano katagal.

“Kasi, hindi ko alam kung makakaulit pa ako. For me, this is the perfect chance lang to do it and to share my music.

“Yun lang po yung wish ko. Hindi ko lang in-expect na ganun kabilis mag-sold out, kaya po ako naging emotional.”

Kaya labis ang pasasalamat niya sa kanyang fans na nagpadama ng mainit na suporta sa kanyang solo concert.

“Happy po ako, lalo na noong nalaman kong marami palang silent fans lang na bumili. Like, hindi sila active na nagko-comment o nagpo-post about me, pero silently nag-aabang lang pala sila for my concert. Kasi, they want to share the music din, gusto lang din nilang marinig ako nang live, so nakakatuwa po.”

JOHN PRATS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with