^

PSN Showbiz

Aktres, pinalayas sa Arena!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Aktres, pinalayas sa Arena!

Hindi pala napuno ang SM MOA Arena sa katatapos lang na Bida sa Arena basketball game na kung saan naglaro ang The Third Floor team na pinangunahan ni Gerald Anderson at Sparkle na si David Licauco naman ang leader.

Bukod kay Gerald, ilan sa mga Kapamilya stars na naglaro ay sina Richard Gutierrez, Vhong Navarro, Jameson Blake, at marami pa.

Sa Sparkle naman ay naglaro sina Miguel Tanfelix, Will Ashley, Rayver Cruz, Dustin Yu, Mavy Legaspi, Andre Paras, Paul Salas, Edgar Allan Guzman, at iba pa.

Ayon sa ilang kaibigang nag-cover sa celebrity showdown na iyun nung Linggo, halos 80 percent lang daw ang mga taong nanood, kahit ipinamigay na raw ang tickets.         

Mahal daw kasi ang presyo ng ticket na nagkakahalaga ng 8,500 ang pinakamahal.

Hindi raw kagaya nung Bench: Shoot of Asia na celebrity basketball game nung nakaraang taon na talagang sold-out ang tickets dahil sa mga Korean superstars na naglaro.

Pero itong sa Bida sa Arena ay keber na raw ng mga tao kahit may mga sikat na Kapamilya at Kapuso stars na naglaro. Or Maaring hindi rin talaga siguro na-promote nang husto.

Nung hindi raw gumagalaw ang bentahan ng tickets, nag-50 percent off na raw sila. Meron na silang promo price, pero hindi pa rin bumenta. Kaya nung araw na iyun mismo ay ipinamigay na lang daw ang tickets.

Meron ngang kakilala ang kaibigan naming may isang libong tickets daw siyang hawak para ipamigay.        

 Last minute na rin daw silang nag-invite ng media para ma-cover ito. Pero masaya naman daw ang laro ng dalawang team na napanalunan ng Third Floor team ni Gerald Anderson.

Ang kapansin-pansin daw doon ay pag-display ng mga napapabalitang dyowa ng mga naglaro.

All-out ang support at todo cheer ang mga dyowa-dyowaan, kagaya nina Shaira Diaz para kay EA Guzman, si Ashley Ortega kay Mavy, si Bianca de Vera kay Dustin.

Siyempre nandun din si Barbie Imperial para kay Richard, Shuvee Etrata para kay Anthony Constantino, Mica Salamanca para naman kay Will.

Si AZ Martinez ang muse ng Sparkle team kaya nandun si Ralph de Leon na nanood kasama si River Joseph.

Marami rin ang nakapansin na hindi raw nagpapansinan sina Ica Salamanca at Bianca de Vera doon sa Arena. Halatang nag-iiwasan daw.  Meron kayang gap ang dalawa. Ano o sino kaya ang dahilan?

Na-injure raw ang paa ni David Licauco, pero nakapaglaro pa rin daw bandang huli.

May tsika pa ang aming source doon na isang aktres ang pinalabas ng security guard nang lumapit na ito sa boyfriend niya na kasama sa nanalong team.

Pagkatapos daw ng game ay naglapitan na ang mga dyowa para i-congratulate ang nanalong team. Itong si aktres lang daw ang pinalabas ng guard dahil wala raw itong suot na all access ID.

Sinabi pa raw sa guard na artista yun at girlfriend ng isa sa aktor na naglaro, pero pinalabas pa rin ng guard dahil wala raw suot na ID. Hindi niya kasi kilala si aktres at pati na rin si aktor na naglaro.

Kawawa naman!

Zaijian, inaral  ang pagiging  pari

Tigmak ang luha namin nang pinanood namin sa community screening ang documentary film na Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel D. Gallardo, CMF na ginanap sa Gateway Cinema 12 noong Linggo, May 3.

Dinaluhan ito ng mga Claretian priests and missionaries, ang mga kaibigan at supporters ni Fr. Gallardo, kasama ang pamilya ng namayapang misyonaryo.

Nung araw na iyun ay ginunita nila ang pagpaslang ng grupo ng Abu Sayyaf kay Fr. Gallardo na itinuring nilang martyr  sa pagsakripisyo nito sa mga teachers, estudyante at mga kasamahan niyang na-kidnap sa Tumahubong, Basilan. Hindi niya isinuko ang kanyang pagsamba at paniniwala sa Panginoon.

Si Zaijian Jaranilla ang gumanap na si Fr. Rhoel Gallardo, na sinabi nga ng taga-Claret na nag-produce nito, malaking bagay daw ang pagiging Santino ni Zaijan sa May Bukas Pa, kaya siya ang piniling gumanap bilang si Fr. Rhoel Gallardo.

Pinag-aralan nang husto ni Zaijan ang role na ito, at ang laki raw nang realization sa kanya nung ginagawa niya sa pelikula.

Sabi pa ni Zaijan “Mahirap siya siyempre, kasi totoong buhay yung gagawin namin. Kailangan maging sensitive, kailangan pag-aralan bawat eksena, kahit po ang mga simple ay kailangan pa ring i-consult kay direk, kasi nangyari siya sa totoong buhay.

“Nung ginagawa ko na po siya, characterization, inaral ko lang yung ahhmm…may binigay sa akin si Father Ama na books.

“So, binasa ko, inaral ko kung paano siya. Sa nakipag-usap din po ako dun sa mga survivor kung paano siya during captivation. Tinanong ko kung paano siya naging matapang, at feeling ko po, malaking tulong din yung naniwala lang ako sa vision ni Fr, Ama at ni Direk Rommel. Hindi ako naghanap ng masyadong maraming tanong.                         “Basta, nag-dive lang ako dun sa character at niyakap ko lang mismo si Fr. Rhoel. Kaya po…feeling ko naramdaman ko rin dun ‘yung pinapahirapan si Father, parang sa isip isip ko, grabe siguro yung experience niya, yung pakiramdam niya nung nangyayari yun.”

Feeling nga raw ni Zaijan, nandiyan daw si Fr. Rhoel na gumagabay sa kanya.

 Ang documentary film na ito kay Fr. Rhoel Gallardo ay prinodyus ng Claretian Missionaries na Dinirek ni Rommel Galapia Ruiz.

Wala raw silang balak na ipalabas sa mga sinehan. Okay raw sila for block screening.

ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with