Daniel at Kaila, ‘di nagdadamot

Ang daming na naka-selfie sa magkarelasyong Daniel Padilla and Kaila Estrada.
As in obvious na ‘di sila conscious na lumabas para mag-chill out.
Kaya flooding sa social media ang kuha nilang magkasama na ikinakilig ng maraming fans.
Meron pa silang kuha na parang nakahiga si Kaila sa tabi ni Daniel na may mga kausap na kaibigan. Bukod pa sa video na nasa isang eatery sila na magkaharap habang nag-uusap.
Wala silang pakialam kahit pa nilalapitan sila ng fans para magpa-picture.
Na tamang attitude naman kesa mag-sikreto pa.
Kahapon ang 31st birthday ni Daniel pero wala pang post tungkol dito si Kaila.
- Latest

























