^

PSN Showbiz

Allan K, napeke sa panic buying

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Allan K, napeke sa panic buying
Allan K
STAR/ File

Mabilis ang disclaimer ni Allan K sa Facebook post na nagbibigay ng payo sa publiko na kailangan na na­ting mag-stock ng mga pagkain at pera dahil lalala pa raw ang nararanasang krisis sa ating bansa na dulot ng giyera.

Kaya naman ‘yung mga hindi nag-verify ay sumugod sa supermarket para mamili.

At may mga nagkaroon din agad ng anxiety.

Nakalagay kasi sa supposedly ay post ni Allan na: “Mag stock kayo ng pagkain, sa mga may bata magstock kayo ng maraming tubig, at solar power station, Hindi naten alam kung anong mga mangyayari sa mga susunod na buwan.

“Maaring kahit papano maayos pa sa ngayon, Pero hindi natin alam pag gising naten kinabukasan kung ano na ang sitwasyon.

“Kaya kung may mga tinatago kayong pera, ilabas niyo na yan dahil kapag nagkaron na ng matinding krisis wala ng silbi ang pera,” ang mababasa sa post ni Allan K.

May blue check ang account kaya akala ng mara­ming netizens ay legit ‘yun at ang TV host/comedian na si Allan K. ito.

Pero sa instagram ay nilinaw ni Allan K ang tungkol dito.

Kalakip ng screenshot nito ang kanyang post sa Instagram page na “Hindi po ako ito. Wala po akong facebook account.”

Ang dami naman kaagad nag-react na nagsabing malakas nga ang kutob nilang ‘di naman talaga ‘yun si Allan.               

ALLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with