^

PSN Showbiz

Hunk actor, mabilis ‘pag may natitipuhang babae

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Likas na maharot at mapaglaro yata itong si hunk actor. Pero hindi nahahalata dahil tahimik lang siya.

Guwapo at sexy si hunk actor, malapit sa mga kabadi­ngang nagnanasa sa kanya.

Ang isa raw sa nakaka-attract sa kanya ay tahimik lang ito at pangiti-ngiti lang kapag nasa isang pagtitipon. Hindi raw gaanong matsika.

Pero iba pala kung dumiskarte itong si hunk actor.

Kapag type niya ang isang girl, idinadaan daw sa tahimik na istilo.

Hindi siya matsika kapag nasa isang pagtitipon, pero pagkatapos n’yong magkita, doon na siya didiskarte nang kakaiba.

Minsan daw sa isang party, may ipinakilala kay hunk actor na isang magandang girl na sa pagkakaalam nila ay sumasali ito sa ilang beauty competitions.

May girlfriend pa raw si hunk actor nung time na ‘yun, pero iba yata ang naramdaman niya kay girl, kinulit-kulit na raw niya ito sa messenger.

Hindi alam ng aming source kung bumigay si girl, pero talagang kinulit daw ni hunk actor na pumunta sa condo unit niya, magkape-kape lang daw.

Sabi pa ng aming source, hindi lang daw minsan, kundi gawain na raw pala niya ito na feeling nitong hunk actor, ‘God’s gift to women’ ang dating niya na hindi nakakatanggi si girl sa kanya.

Sa pagkakaalam namin, single na ngayon si hunk actor, pero suportado ng isang taong matagal nang nahuhumaling sa kanya.

Ang guwapo naman kasi talaga at katilam-tilam si hunk actor, kaya kampante siyang may babaeng nararahuyo sa kanya, at pati na rin pala kabadingan!

OPM legends, sama-sama sa concert para sa kinakapos na katrabaho

Patuloy pa ring napapanood sa Newport Performing Arts Theater ang Bagets The Musical.

Sana ay ‘di naapektuhan, kasi ‘pag dumadaan ka sa mga gas station, parang hindi ka makapaniwalang mahigit P100 na ang presyo ng diesel at gasoline. Nakakaloka talaga!

Sa darating na Linggo na ang huling pagtatanghal ng Bagets The Musical.

Marami pang mga naka-schedule na concerts o live performances, pero mapapaisip ka kung hindi kaya sila maapektuhan nitong oil price hike.

Nakatakdang magkaroon ng concert ang The OPM Friends na kinabibilangan nina Celeste Legaspi, Leah Navarro, Mitch Valdez, Nanette Inventor, Pat Castillo, Pinky Marquez, Bo Cerrudo at Ding Mercado.

Gaganapin ito sa Newport Performing Arts Theater sa March 27.

Mukhang riot ito at talagang pinaghandaan nila nang husto dahil ngayon lang sila magkakatipun-tipon uli na maraming mga napasikat noong ‘70s at ‘80s.

Nakapanayam namin sina Leah Navarro at Ding Mercado sa programa namin sa DZRH at aminado silang naiisip din daw nila itong krisis kung makakaapekto ba sa nalalapit nilang concert.

Sabi ni Ding Mercado ng dating The New Minstrels, naisip din daw nila ‘yun. Pero matagal na raw naka-schedule itong kanilang concert. “This was even planned prior to the crisis now,” pakli ni Ding.

“Viva concerts gave us the date. When they gave the date, wala pa ang problemang ito.

“I think we’re still hoping na ‘yung mga taong may konting budget pa e... at the same time, it will be an escape from the actual crisis now.

“I think, mag-e-enjoy din sila, and of course it’s very rare that they have that opportunity to watch this combination of singers during a show like this. Hindi palaging nangyayari ‘yun,” dagdag niyang pahayag.

Naniniwala si Leah Navarro na sa panahon ngayong nawiwindang tayo sa napakataas na presyo ng gasolina, mas kailangan natin ng entertainment. Kagaya ng pagsasariwa nila ng greatest hits ng ‘70s at ‘80s.

“We understand,” tugon ni Leah. “All of us… we are all affected. Kahit kami ‘yung kakanta… you know we have to go to rehearsals. Nagga-Grab kami, nagkokotse kami.

“We understand that, ‘yung concern na ‘yan. Kaya, I think tho if... I hope mare-realize din nila, if we get out of ourselves, you know, try and help alleviate the problems of others, that we will also be solving our own problems.

“And that’s what we’re hoping, ‘no? We are speaking to the goodness of the hearts of our audience, that they can spend a couple of hours with us to relive memories, better times, and then be refueled, ‘no?

“It’s like to use a funny word; to be refueled by the energy that we hope, that we can share with them, and in that way also helping each other,” napangiti niyang pahayag.

Panalangin niya na sana hindi naman ito magtagal at malagpasan natin ang krisis na ito.

“Hindi naman ito nangyayari din, ‘no, ‘yung mga show na ganito. And we always have to hope and pray na ang mga krisis na ganito rin ay short-term lang siya ‘di ba? Hindi siya forever and ever.

“Many people naman sa pagkaalam ko, nakabili na sila ng tickets. So, we hope that they will make sure to be there with us that night,” sabi pa ni Leah Navarro.

Ang Groovin The Greatest Hits ay binuo nila para sa kanilang beneficiaries na mga kasabayan nilang performers at production people na kinakapos para matustusan ang kanilang medical needs.

“We try to keep our beneficiaries private, ‘no? Kasi we respect ‘yung privacy nila kung ayaw nilang sabihin.

“Pero ang unang-unang beneficiary namin was Fritz Ynfante who eventually did pass away. Kasi he was really sick, ‘no? We felt kasi, ‘di ba ‘yung ‘pag artista, kung may gig ka, okay ka may pera. Ang tawag dun feast or famine ‘di ba?

“We thought na kahit kami... it’s not because na kami may kaya kami or... but what we wanted to do was friends, coming together as friends, for our friends in the business, in the profession.

“So, kung nasa production side ka, or actor ka, singer ka... kung nangangailangan ka, they would reach out to us. So, eto nga ginagawa namin, fundraiser talaga for our friends in the business,” saad ni Leah Navarro.

 

ACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with