^

PSN Showbiz

Ashley, inamin na si Rave

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ashley, inamin na si Rave
Ashley
STAR/ File

Kinumpirma sa amin ni Ashley Sarmiento sa Fast Talk with Boy Abunda na nililigawan na siya ni Rave Victoria ngayon. Naipakilala na ng dalaga sa pamilya si Rave nang minsang bumisita ang aktor sa kanilang bahay. “Opo, nag-start na po siya manligaw. Isang beses pa lang po siya pumunta po sa house pero one time po nag-church po kami. Tapos in-invite po kami ng ate ko po sa house niya po para mag-bonding po,” pagtatapat ni Ashley.

Lumalalim na ang samahan nina Ashley at Rave ngayon. Madalas na nagkakasama ang dalawa mula nang matapos ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 kamakailan. Matatandaang na-evict si Rave mula sa bahay ni Kuya noong Enero. Sina Ashley at Joaquin Arce naman ang kinilalang 3rd Big Placer sa nagtapos na edisyon ng PBB.

“Madalas na kami magkasama ngayon. Ako po masasabi ko po na kung paano ko po siya nakilala noon, ganoon ko po ulit siya nakilala ngayon here in the outside world. Kasi sabi ko may mga nagbago while we were inside the house. Pero noong nakilala ko siya ulit here, sabi ko, ‘ah, gano’n pa rin pala talaga siya.’ Kung paano po siya nakilala first few weeks,” nakangiting pahayag ng aktres sa GMA News Online.

Kyle, naaksidente !

Noong Biyernes ay nagwakas na ang Roja na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri. Kakaibang karanasan para kay Kyle ang pagganap niya bilang si Olsen Bonifacio na isang security officer sa La Playa Roja island resort. Ayon sa aktor ay talagang nakakapagod ang mga maaaksyong eksena na nagawa sa naturang serye.

“It pushed my limits. It pushed what I believe kaya kong gawin to come true. I feel very fulfilled dahil sa sobrang pagod din ng ginawa namin. The never-ending action, hostage-taking and everything. I also had to deal with up and down emotions, fin­ding out the truth with his family and everything going on in his life to making kilig, falling in love, and all that kind of stuff. It was a rollercoaster for Olsen, pero all in all, fulfilling,” pagbabahagi ni Kyle sa ABS-CBN News.

Magkahalong emosyon ang naramdaman ng aktor nang magtapos ang serye. Isang pamilya umano ang nabuo habang ginagawa ang naturang proyekto.

“We finished shooting in January pa lang. I think ‘yung samahan na nabuo namin, ‘yon ang pinakaimportante. I think everyone was able to build a bond. Especially when you’re locked in on an island talaga all together for how many months. Every rest day, lahat kami magkasama. We always had activities. We played volleyball together, we would have endless nights together,” kwento ng binata.

Naaksidente pa raw si Kyle habang nasa taping ng serye. Ayon sa aktor ay nagkaroon siya ng kakaibang disiplina dahil sa tinamong injury sa set.

“It was the second to the last ng shoot because I had to shoot three major action scenes in one day. Hinahabol namin ‘yung araw. I got a minor injury in between because I fell on a rock. I think I’m going to remember that the most because the discipline that I had to put myself in that moment. As in after the action scene, I couldn’t even celebrate that moment because when we finished that action scene, okay, lipat naman sa kabila. I had to memorize for the next one. So, it was tiring but then again, fulfilling talaga,” paliwanag ng Kapamilya actor.

(Reports from JCC)

BOY ABUNDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with