^

PSN Showbiz

‘Kappa-tiran’

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Malapit ang puso ni Nunungan Lanao Del Norte Vice Mayor (VM) Marcos Mamay sa showbiz, kaya naman maliban sa pagiging Executive Adviser ng Actor’s Guild of the Philippines, siya rin ang tagapamahala ng Mamay Productions. Layon ng kanyang produksyon na tulungan ang mga artista at buong entertainment industry sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mga pelikula, serye at ilan pang proyekto na susulong sa kamalayan ng mga manunuod. (ay ‘yung iba walang malay!)

Last year ay ipinalabas ang kanyang inspirational biopic na MAMAY: a journey to greatness starring Jeric Raval. Si VM ang naging assistant director ni Direk Neal “Buboy “Tan sa pelikulang ito na humakot ng mga parangal sa 73rd FAMAS Awards. (fu-ma-FAMAS ang vice mayor nyo!)

Ngayon naman ay pinaghahandaan na nila ni Direk Buboy ang isa pang obra. Ito ay ang pelikulang: “Kappa-tiran” na pagbibidahan naman nina EJ Falcon, Bembol Roco, Sheryl Cruz, at Patricia Javier. Nagsimula na silang mag-story con para rito. (bet ko si EJ maging leading man!) “Tungkol ito sa fraternity. Ipapakita namin kung ano ang mga sitwasyon sa pagkakaroon ng isang fraternity. “Pagbaba-
hagi ni VM Mamay (ay go ako sa brotherhood kineme!)

Hindi ito true to life story tulad ng nauna nilang nai-produce pero ito ay hango sa ilang mga naibalita at nai-research tungkol sa mundo ng fraternity. Karamihan sa mga eksena rito ay gagawin sa Metro Manila pero may ilang cast ang dadalhin sa Nunun-gan, para mag-shooting.  (may pa-tour si VM!)

“Isa rin sa gusto natin syempre ‘yung maipakita ang kagandahan ng aming lugar at mas maiangat pa ang aming turismo. Makikita nila ‘yan sa pelikula,” pagpapahayag ni VM Mamay.  (pweded ako Miss Tourism dyan!)

Sa kanyang pagbisita sa aming online show na Marites University, ibinida ni VM Ma-may na balak nilang magkaroon ng internatio-
nal screenings at kung papalarin ay mapasama sa mga film festivals abroad. ( ay join ako sa pang international! Ready ako!)

 

 

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

VM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with