All2gether Kapamilya, may part 2 na!

Tuluy-tuloy ang selebrasyon ngayong Linggo (Pebrero 8) sa isang engrandeng musical celebration para sa mga solid Kapamilya hatid ng Kapamilya stars at rock bands sa ASAP Presents: ALL2GETHER KAPAMILYA: A Grand Pasasalamat Part 2, na mapapanood nang live sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWant.
Engrandeng grand opening number ang bubungad sa fans ngayong Linggo sa pangunguna nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Darren, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jameson Blake, Jeremy Glinoga at Michelle Garcia, kasama ang housemates ng Pinoy Big Brother Gen 11 na sina Fyang Smith, Kai Montinola, JM Ibarra, Jarren Garcia, Kolette Madelo, Rain Celmar, Jas Dudley-Scales, at Binsoy Namoca, pati na rin ang housemates ng PBB Celebrity Collab na sina Brent Manalo, Ralph de Leon, River Joseph, Klarisse de Guzman, Esnyr Ranollo at Bianca de Vera.
Hindi dapat palampasin ng Blooms ang pasabog na number mula sa BINI tampok ang kanilang hits na Salamin, Shagidi at Bikini.
Humanda na rin sa pangmalakasang performance nina Regine Velasquez-Alcasid, Belle at Anne Curtis kasama ang Imago.
Bonggang collabs din ang handog nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid kasama ang Soapdish, at nina Jolina Magdangal at Jona kasama ang 6Cyclemind. Samantala, maki-jamming sa hit songs ng Mayonnaise.
Abangan naman ang madamdaming performance mula kina Moira, Klarisse, at Darren, at susundan ito ng pasabog na number mula kina Martin Nievera, Erik Santos, Kyle at Neocolours.
Magpapatuloy ang libreng concert experience sa performance nina Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Jason Dy kasama ang Freestyle.
Samahan naman ang BGYO sa pagkanta nila ng latest song na Divine, habang huwag ding palampasin ang bersyon nina Marko Rudio, Darren at Kyle ng Gento at Dam.
Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle, Alexa, Kyle at Darren.
- Latest
























