Sanya, binigyan ng diamond ring ng karelasyon
Masayang-masaya si Sanya Lopez ngayon sa kanyang buhay pag-ibig ngayon. Naipakilala na umano ng Kapuso actress ang nobyo sa mga kaibigang sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla at Gabbi Garcia.
“Okay naman, Tito Boy, lagi namang masaya. Sila ‘yung number one na excited talaga sa akin bago pa mangyari ang lahat. Sa mga bagay-bagay na paparating sa buhay natin. Palagi sila, ‘Uy! Kapag meron ka na, ipakilala mo kaagad sa amin ah.’ Sila ‘yung isa sa mga unang nakakita, nakilala na nila,” masayang pahayag sa amin ni Sanya sa Fast Talk with Boy Abunda.
Hanggang maaari ay gusto lamang ng dalaga na gawing pribado ang relasyon nila ng kasintahan.
“Tito Boy, kapag dumating ‘yung panahon na hindi maiwasan siguro, sige pwede naman. Pero hindi talaga eh. Kasi, Tito Boy, lagi nila inaabangan ‘yan. ‘Na kailan na?’ and I’m so happy no’ng na-share ko nga sa kanila aksidente pa ‘yon eh. Parang na-share ko sa kanila ‘yung about sa (diamond) ring,” kwento ng aktres.
Aming personal na nakita at nahawakan ang kontrobersyal na diamond ring na suot ni Sanya.
“It’s a promise ring,” pagtatapat ng dalaga.
Kylie, Aljur at AJ, nag-dinner kasama ang mga anak
Inamin sa amin ni Kylie Padilla na wala siyang kasintahan sa kasalukuyan. Kahit walang nobyo ay masaya naman daw ang aktres sa kanyang personal na buhay. “I’m happily single. Happily, single, yes. I think it’s time I focus muna on my children which is what I’m doing,” nakangiting pahayag ni Kylie.
Matatandaang naging panauhin namin sa Fast Talk with Boy Abunda noong Nobyembre si AJ Raval. Eksklusibong ibinahagi sa amin ng aktres ang tungkol sa pagkakaroon nila ng tatlong anak ni Aljur Abrenica. Wala na umanong problema sa pagitan ng dating mag-asawang sina Kylie at Aljur. Dalawa ang naging anak ng dating mag-asawa.
“Alam mo, after that nagkita pa kami by accident, all of us. Ang saya lang kasi I was waiting for that to happen. Kasi it was bound to happen. And when it did, our kids play together. And then we had dinner together. Ang saya lang,” paglalahad ng aktres.
Mas pinili raw ni Kylie na humiwalay ng lamesa noong nag-dinner sila nina AJ, Aljur at kanya-kanyang mga anak.
“Nandito ako sa isang table, nando’n sila (sa kabila). Pero pinili ko naman kasi ‘yon. I let them have their time. Si Aljur ‘yung nagtanong. ‘Can we have dinner together? Kasi gusto kong makasama ‘yung mga bata.’ I’m like, ‘Oh, sure.’ May table sila, do’n sila lahat. Dito ako, binubuo ko ‘yung Lego ni Alas. I respect their time. Pero masaya, masaya. I mean maybe it was for the better talaga. Like I’ve said in my statement, mahirap ‘yang nagsisikreto ka. Lalo na sa mga bata na tinatago, ayoko, ayoko,” pagdedetalye ni Kylie.
(Reports from JCC)
- Latest




















