^

PSN Showbiz

Mark, grabe ang iyak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark, grabe ang iyak!
Mark Herras
STAR/ File

Nagkakaproblema sa bahay nila!

Marami ang nag-react at nagpahayag ng suporta kay Mark Herras nang mag-post ito sa kanyang Instagram account na umiiyak na may caption na “Kulong sa Sistema” na ganun din ang background rap music ang title.

Mga kapwa galing sa StarStruck ang karamihang nagbigay ng mensahe na magpakatatag at nandiyan lang daw sila na willing sumuporta sa kanya.

Ang iba namang napagtanungan namin ay nagdududa at baka acting lang daw ‘yun para sa isang pino-promote na produkto.

Kamakailan lang ay may interview pa si Korina Sanchez kay Mark na ipinagmamalaki pa ang negosyo nitong restaurant sa may Farmer’s Cubao.

Kaya ang buong akala namin ay okay na ang kalagayan nito, sila ng asawa niyang si Nicole Donesa.

Ang latest na narinig namin noon ay nagkaproblema ang bahay nila. Kaya ang balak nila ay bumalik muna sa bahay ni Nicole sa Quezon City.

Si Nicole naman ay abala sa pagpapapayat na ipino-post nito sa kanyang social media account.

Jayda, malalim ang nakaraan kay Aljon

Si Jayda Avanzado ang leading lady ni Dylan Menor sa bagong crime-mystery thriller na Project Loki.

Pero wala raw romantic angle sa series na ito na mapapanood sa Viva One at CignalPlay. “‘Yung focus po kasi ng project na to, hindi talaga siya parang romance,” pakli ni Jayda nang makatsikahan namin sa nakaraang media conference ng Project Loki.

Nakakatuwa lang daw na meron nang grupo ng fans na sini-ship silang dalawa. “Kumbaga, parang fandom na may shippers na ganun. So, parang ano po siya… ‘yung mga fans po namin, tawag po sa amin JayLan.

“Tapos ‘yung characters po namin, Lorelei and Loki. So ang tawag po nila LoreKi,” napangiting pahayag ng dalaga nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Itong Project Loki ang pangalawang series ni Jayda. Nauna niyang ginawa  ang Teen Clash para sa iWant TV. Ka-partner niya rito si Aljon Mendoza, kaya nilinaw namin sa kanya kung naging sila ba noon.

Napangiti si Jayda at sumagot: “Let’s just say na Aljon and I were quite close back then. And I can’t deny you know that I did… well, I can speak for myself, that it was very special for me.”

Wala na raw silang komunikasyon at matagal na raw silang hindi nagkikita ni Aljon.

“Kumbaga ‘yung purpose niya nung time na ‘yun ng buhay ko noon, and I always be thankful for him for that. And I really do. I wish him well and haven’t seen him in… matagal na ho kaming hindi nagkikita. Siguro baka mga three years na, ahh two or three years, I haven’t seen him. ‘Yun lang naman.

“ I wouldn’t say that we keep in touch in anymore. Pero wala naman any like bad blood,” tugon nito.

Naalala na rin naming may inilunsad pa si Jayda na album na hugot daw ito sa past relationship niya. Si Aljon kaya itong tinutukoy niya?

“Kanya-kanyang interpretation. I never reveal through my songs,” napangiti niyang pakli.

Dagdag niyang pahayag: “Okay naman po kami. Pero you know, if I were to see him again, you know, I would treat him as an old friend. Saka malalim din po ‘yung pinagsamahan namin. I’ll be grateful to him in that sense. Siyempre, first project ko po ‘yun. Ang dami din naming pinagdaanan through that process.”

Pagdating sa kanyang lovelife, nandiyan lang daw ang magulang niya. Pero bilang nanay, mahigpit daw talaga ang Mommy Jessa niya. “I think people would be surprise to know like my dad is quite chill when it comes to…

“I think, if there’s anyone who’s a bit stricter is my mom. A little bit. But, honestly open ang lines ng communication po namin ng parents ko po.

“I know at the end of the day, they just want the best for me in that sense,”saad ni Jayda.

Meron palang collab sina Jayda at Dylan na kung saan may ini-record silang kanta na magagamit dito sa Project Loki. Siya rin ang kumanta ng soundtrack nito at isa rito ay ang kantang Babala na siya ang nagsulat.

Mapapanood na ito sa streaming ng CignalPLay at Viva One sa Feb. 21.

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with