FU-KC online!
Parang kinilig ako nung tinawagan ako ng staff ni KC Montero. (may ngisay factor pa?!)
Mag-guest daw ako sa podcast niyang Kwentuhan with KC. (pinag-isipan talaga ‘yung title ha!) Sa pagkakatanda ko kasi, medyo naging crush ko si KC noon. (medyo lang ha!)
Never ko sya nakatrabaho, pero nakikita ko sya sa mga events.
Minsan na-man nai-interview ko sya pag ako ang red carpet host. (pero di ko sya nilandi ha!)
Nagkasabay din kaming maging radio jock sa isang group of FM stations.
Sya dun sya inglesan, siempre dun ako sa bardagulan. (at harutan!)
Hindi naman ako nagdalawang-isip na sumalang sa podcast nya. (kahit alam kong ilalabas ko mga naitatago kong English!) Pagdating ko palang sa hallway ng studio, nagkabiruan na kaming mag-pictorial. (‘yung akala mo close kami!)
Kaya naman, nung nag-start na ang ta-ping namin, kampante na kami sa isa’t isa. (wow, parang mahal ko na sya!)
Umikot ang interview sa naging takbo ng career ko sa media at showbiz. (wow naka-career talaga ‘yung level!)
‘Yung pagiging TV Police Reporter ko noon hanggang sa napasabak sa TV Showbiz Talk Show at syempre kung paano namin nabuo ang makasaysayan at makabuluhan na-ming Youtube Show na WTFu. (na pang award at puno ng values ha! )
Kahit show nya ‘yun, hindi sya nakaligtas sa mga tanong ko.
Ipinasagot ko sa kanya ang ilan sa mga naughty questions na ginagamit ko sa WTFu. (naloka sya!)
Sumagot naman sya. (game naman si kuya!)
Hindi ko lang sya syempre napahubad tulad ng mga ginagawa ng guests ko. (hubad na may hubo?!) Ang sabi niya ipaubaya na lang daw nya sa kapatid nyang si Troy. (dito ko na-realize na sorry KC, mas mahal ko pala si Troy!)
Napag-usapan din namin dito ang tungkol sa experience namin sa pag-arte sa telebisyon. (oo umacting ako minsan!)
Kung paano ang naging sistema noon at ang mga sinasabing pagbabago ngayon. (meron ba?!)
Kasalukuyan nang umeere ito sa youtube channel ni KC at ayon sa staff, isa ito sa pinakamaraming views sa kanilang episodes. (dapat ata mag-tandem kami sa The FU-KC show!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest


























