Mayor Vico, nili-link kay Alex?!

May chance kayang panoorin ni Pasig Mayor Vico Sotto ang laban ni Alex Eala sa Rusong si Alina Charaeva sa round 32 ng Philippine Women’s Open sa Rizal Memorial Tennis Center ngayong Lunes?
Bagama’t ang sagot ng isang malapit kay Mayor Vico, parang malabo ‘yun lalo na at Lunes.
Seeded No. 2 si Alex sa kauna-unahang pagho-host ng bansa ds Women’s Tennis Association (WTA) 125 tournament.
Kahapon ay naghahanda na si Alex na nagpramis na gagawin ang kanyang makakaya para sa kanilang laban ng minsang tumalo sa kanya, six years ago.
Kagagaling lang sa kanyang debut sa main draw sa Australian Open ni Alex.
Anyway, tho malayo ang agwat ng edad, si Mayor Vico ay 36 at si Alex ay 20, matagal nang may ilang nagma-manifest na maging sila.
Parehong walang nali-link kina Mayor Vico and Alex.
- Latest



















