^

PSN Showbiz

Rhen, hindi napapahinga!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rhen, hindi napapahinga!
Rhen Escaño.
STAR/ File

Sa unang pagkakataon ay pinagtambal sa pinakabagong serye ng Viva One sina Joseph Marco at Rhen Escaño sa Wattpad series na My Husband Is A Mafia Boss na magiging first offering ng sikat na Viva streaming platform ngayong 2026.

Action, drama, comedy, romance at suspense ang tema nito na tinatampukan din nina Frost Sandoval (anak ng aktres na si Lara Morena), Jaime Yllana (anak ni Anjo Yllana), Icee Ejercito (anak ng mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson), Sara Joe, Kyosu Guinto, Aaliyah Coco, Dann Aquino, R-Ji Lim, PJ Rosario, Maru Delgado, Ara Mina at Priscilla Meirelles.   Ito’y pinamamahalaan ni Fifth Solomon.

Natutuwa sina Joseph at Rhen sa una nilang project together na ipinagkatiwala sa kanila ng Viva, their home studio. Magsisilbi rin itong unang proyekto sa Viva ng modelo at dating Brazilian beauty queen-turned actress/host at ex-wife ng actor na si John Estrada na si Priscilla Meirelles.

Kung nabubuhay pa hanggang ngayon ang star builder at master showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno, tiyak na masaya ito sa takbo ng career ni Rhen na isa sa kanyang mga anak-anakan noon sa late night show na Walang Tulugan with the Master Showman kasama sina Jak Roberto, Ken Chan, Sanya Lopez, Buboy Villar, Jake Vargas at iba pa.

Sila bale ang last batch of talents na binigyan ng break ni Kuya Germs nung ito’y nabubuhay pa.

Bago ang My Husband is A Mafia Boss series, Rhen became a part ng hit Viva One series na Ang Mutya ng Section E na pinangunahan nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach na siyang pinakamainit na loveteam ngayon sa bakuran ng Viva. Mahigit isang taon ding naging bahagi si Rhen ng TV adaptation ng hit movie na Lumuhod Ka sa Lupa na pinagsamahan nila ni Kiko Estrada.

Ang sexy rin ng pangunahing bituin sa Akin Ka Na Lang na unang palabas sa Viva Movie Box, ang kauna-unahang vertical-format strea­ming platform sa Pilipinas.

Bukod sa mga pelikulang naging bahagi si Rhen, hindi rin makakalimutan ang mahigit one year siyang napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin on ABS-CBN na kahit si Coco ay napabilib sa husay sa acting na ipinamalas ng Viva actress.

Ynez, game sa balikan kay Mon

Blessed with two beautiful daughters na sina Keilah at Jianna si Ynez Veneracion. Si Keilah (14) ay anak ng singer-actress sa politician mula sa south na si Cong. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu.

Habang ang kanyang bunsong anak ay ipinanganak niya when she was 40 years old na ang ama ay ang much younger ex-boyfriend niya na si Bryan Julius Recto.

Ang maganda lamang kay Ynez, friends sila ng kanyang exes at kasama na rito ang kanyang dating long-time partner, ang award-winning actor na si Mon Confiado na siyang tumatayong physical father sa panganay ni Ynez kahit matagal na silang hiwalay.

Common knowledge na Daddy Mon ang tawag ni Keilah sa ex-boyfriend ng kanyang ina.

Magmula nung baby pa lamang si Keilah ay naroon na si Mon for her na kahit hindi sila magkasama sa iisang bubong, Mon finds time na sunduin si Keilah pati sa school nito.

“Daddy Mon is a big part of my life,” pag-amin ng panganay ni Ynez na dumaranas din ng mental health problem dahil sa pambu-bully sa kanya sa school.

“Si Daddy Mon ang pumupuno sa longing ko sa aking sariling ama,” dagdag na pahayag ni Keilah.

May posibilidad bang magkabalikan sina Ynez at Mon?

“I’m not closing my doors,” deklara ni Ynez.

KUYA GERMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with