Marco, idinisplay ang bagong karelasyon!

Nung isang taon lamang nagkahiwalay ang dating magkasintahang Cristine Reyes at Marco Gumabao pero pareho na silang naka-move on at nakahanap ng kanilang respective new loves sa katauhan ng dating National Youth Commission chairman na si Gio Tingson (kay Cristine) at ang social media star na si Yukii Takahashi (para kay Marco).
Bago pa man ang 2025 midterm election ay nag-break na sina Cristine at Marco. Ang huli ay sumubok sa larangan ng pulitika nang ito’y kumandidato sa pagka-kongresista sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur pero hindi siya pinalad na manalo.
Sina Cristine at Marco ay parehong nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency.
Richard, nasa bucket list ni Gerald
This month of January 2026 na magsisimula ang taping ng bagong action-packed TV series na tatampukan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson na pamamahalaan ni FM Reyes.
First time na magkakasama ang dalawa sa isang proyekto kaya pareho silang excited.
Kagagaling pa lamang ng dalawa sa kanilang respective hit primetime action-drama series on ABS-CBN. Si Richard sa Incognito habang si Gerald naman sa Sins of the Father.
At hindi pa man nagsisimula ang taping ng kanilang bagong action-drama series ay marami na ang excited na mapanood ang unang pagsasama ng dalawang bigating Kapamilya actor.
Hindi ikinakaila ni Gerald na nasa bucket list umano niya ang makatrabaho si Richard.
Pagkapanalo nina Krystel at Vice, pinag-uusapan pa rin
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang historical win bilang Best Actress ni Krystel Go na may Down syndrome dahil sa mahusay nitong portrayal sa kanyang debut movie sa tinanghal na Best Picture movie sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), ang I’mPerfect mula sa panulat at direksyon ni Sigrid Bernardo and produced ng Nathan Studios na pinamumunuan ng veteran actress na si Sylvia Sanchez.
Nagbigay ito ng malaking pag-asa sa mga taong may Down syndrome dahil sa ipinakitang husay ng mga nagsiganap sa pelikula.
Kudos to Direk Sigrid sa kakaibang kuwento at pelikula laluna sa producer na si Sylvia Sanchez na sumugal sa MMFF movie na ito.
Tulad ni Krystel Go, hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon ang comedy superstar na si Vice Ganda na siya ang Best Actor sa mahusay niyang pagkakaganap sa pelikulang Call Me Mother na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nangunguna among the eight movie entries ng ongoing MMFF.
Mula sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana, the movie is co-produced ng Star Cinema, Viva Films at The IdeaFirst Company.
Sa kabila ng pagiging isang komedyante ni Vice, naipamalas niya bilang actor ang kanyang husay sa larangan ng pag-arte.
- Latest




















