^

PSN Showbiz

Moulin Rouge sa San Francisco

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nung magpunta kami ng forever travel partner kong si Bryan Talatala sa Paris, naun-syami ang panonood namin ng musical na Moulin Rouge. (kinulang ata sa budget!) Kaya nag-pictorial lang kami sa labas ng teatro. (attendance check lang!)

Kinarir ni Bryan ang panonood, nang magpunta saToronto Canada ang cast at pro-duction team. (may budget na!) All praises siya sa performance. (feeling may kultura!)

Ngayong nagbabakasyon kami sa San Francisco, California, nalaman nya na pupunta naman sila rito. ‘Di nya pinalagpas, at bumili agad ng front seat tickets. (mukhang ‘di pa nakaka-move on!)

Puno ang Orpheum Theatre nang kami ay manood. Simula pa lang, pinaandaran na kami ng ng famous song ng musical na Lady Marmalade. (bet sana namin maki-perform!) Maraming kilalang classic songs ang ginagamit sa mismong play ( i super love ‘yung Your Song ni Elton John!) at nang gawing pelikula noong 2001 directed by Baz Luhrmannn starring Nicole Kidman at Ewan McGregor. (nominated sa Oscars ‘yan ha!) Pero for the current edition, nagdagdag sila ng marami pang kanta tulad ng kanta nina Lady Gaga, Britney Spears at Katy Perry. (relate na relate kami ha!)

Pinagbibidahan ito ng Latino actors na sina Gabriela Carillo bilang Satine at Ryan Vasquez bilang Christian (na mga ayaw paawat ang vocal chords!) Sila ang nagsabuhay ng love story ng musical. Bongga rin ang pa-costume at pa-set design (‘di puchu puchu!)

Buong Holiday season mananatili ang Moulin Rouge sa San Francisco (para sa truth, beauty, freedom at love!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with