Janella at Klea, ‘out’ na ba?! May ‘subuan’ sa cafe

Wow ‘out’ na practically sina Janella Salvador and Klea Pineda.
Ahh. Or ano bang meaning na magkasama sila sa Los Angeles at may sweet photos?
“La la land feels like home...” lang ang caption ni Janella sa kanyang post kalakip ang photo dump nila sa Amerika.
“Naaaahhh, I’m home” ang sagot na komento ni Klea sa nasabing post.
Andaming kinilig sa nasabing post.
Dumagsa rin ang mga puso sa comment section.
Nauna nang nag-post si Klea ng kanilang US trip.
Sa Instagram din ibinahagi ng Kapuso artist ang mga litrato niya kasama si Janella na namamasyal sa Los Angeles, California.
Kabilang sa mga ito ang isang subuan ng dalawa na kumakain sa isang cafe. “Just letting the day happen,” caption ni Klea.
Halos pareho ang mga nauna nilang statement na “what you see is what you get” tungkol sa kanilang closeness. (SVA)
- Latest



















